Nagkagulo ang mga tagahanga ni Kyline Alcantara at rumored boyfriend nitong si Kobe Paras dahil sa larawang ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram account ngayong gabi ng Martes, September 24, 2024.

Sa post ni Kyline ay makikitang nakapostura ang dalawa na parang may importanteng okasyon.

Medyo nakaharap si Kobe na nakayakap ang kaliwang kamay sa beywang ni Kyline.

Si Kyline naman ay medyo nakatalikod at nakahawak sa dibdib ni Kobe.

Caption ng Kapuso actress sa kanyang post, “Together, with him. Special announcement. 9.25.24”

Sa ibinhagi namang larawan ni Kobe ay naka-back hug sa kanya si Kyline.

Caption dito ng basketball star at commercial model, “save the date for a special reveal 9.25.24”

KYLINE ALCANTARA, KOBE PARAS FANS SPECULATE

Sa comments section ng post ni Kyline ay kanya-kanyang espekulayon ang netizens kung ano ang “special annuncement” na tinutukoy ng aktres.

Sabi ng isa sa unang nagkomento, “Buntis ka na ba?”

Mabilis naman itong sinalungat ng mga tagahanga ng Shining Inheritance actress.

Kyline Alcantara fans
Tanong naman ng isa, “Ano yan Kyline? Don’t tell you are…….”

“Excited for the announcement kung ano man yan Ky,” ang komento ng isa pang fan.

Hula ng isa kung ito na ba yung ginawa nilang proyekto.

Aniya, “Ang movie ba to? Or yung relationship na? Huhuhu.@e di na naman ako makakatulogggg. lloveyou both guys.”

Biro ng isa, “Kasalanan na ba? Hehehe charut lang pero wait kami”

Ayon sa isa pa, “Halaaaa ano kaya yan? nakakaexcite”

Kyline Alcantara fans
 

JACKIE FORSTER: “WHAT’S THE MEANING OF THIS?”

Sa comments section naman ng post ni Kobe ay nag-iwan ng nakatutuwang komento ang kanyang nakatatandang kapatid na si Andre Paras at inang si Jackie Forster.

Sabi ni Andre, “suit and tie right? [heart emoji]”

Tila kinastigo naman ni Jackie si Andre at sinabing, “@andreparas what’s the meaning of this”

kobe paras post
Kabilang pa sa nagkomento rito ay si Sam YG at si Kyline mismo.

kobe paras post

KYLINE-KOBE PROJECT

May kinalaman kaya ang announcement ni Kyline bukas sa personal nilang buhay? O ito ay tungkol sa proyektong ginawa nilang dalawa sa ibang bansa.

Sa ulat ng 24 Oras noong August 16, 2024, nagpasalamat si Kyline na pumayag si Kobe na makasama niya sa hindi pinangalanang proyekto.

Pero sa China raw ang shooting nito.

Sabi ni Kyline, “We’re ready to explore a lot of things in life and I’m thankful that he said yes kasi I’m excited po to work with him.”

Looking forward daw siya sa bonding nila habang nasa China sila.

Aniya, “Definitely the food trip kasi yun po talaga yung bonding namin.”

Hindi pa man umamin kung ano ang real score nila, hindi naman daw nila ma-describe ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa.

Paglalarawan ni Kyline, “It’s a different feeling po, so I don’t know the exact words to describe it. Lumalabas na lang siya through actions, through our auras, I guess, I cannot find the exact words.”