Ai Ai perfect daw bumida sa life story ni Angelica Yulo; Sylvia bagay din

Ai Ai perfect daw bumida sa life story ni Angelica Yulo; Sylvia bagay din

AGREE ba kayo mga ka-BANDERA na ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang gumanap bilang Angelica Yulo sakaling matuloy ang pagsasapelikula sa buhay nito?

Base sa mga nababasa naming comments sa social media, marami ang nagsasabing bagay kay Ai Ai na mag-portray bilang nanay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa life story nito.

Naiulat natin dito sa BANDERA ang plano raw ng isang mayamang negosyante na isapelikula ang makulay at controversial life story ni Angelica, base na rin sa pahayag ng content creator na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

At ang mas bonggang good news pa, nagsabi raw ang rich businessman na patitirahin din niya ang pamilya Yulo sa pag-aari niyang bahay worth P95 million hanggang kailan nila gusto.

Ibig sabihin, parang ibibigay na rin ng galanteng negosyante sa pamilya ni Angelica ang naturang bahay.

Sa official Facebook page ng BANDERA ay marami ang nag-react sa balitang ito at halos lahat ay nagsabing deserve ng pamilya Yulo ang ibibigay na tulong ng naturang negosyante at pabor din sila sa pagsasapelikula ng buhay ni Angelica.

May nagsabing perfect si Ai Ai sa role pero may nagbanggit din sa pangalan nina Cherry Pie Picache, Sylvia Sanchez at Irma Adlawan. Narito ang ilang komento ng ating mga ka-BANDERA.

“Pwede pa ilaban ang magiging movie na yan sa iba’t ibang awarding bodies na international…true to life story talaga..maghahakot ng award yan.”

“Ganyan ang big rewards na gift ni Lord sa kanilang mag pamilya except sa suwail nyang anak. Kaya hwag masyadong paguluhin ang landas ninyong mag anak. Go on your own. Do not retaliate or make revenge.So many understand your needs and situation. God has the power to make your life worthwhile.”

“As a mother we sometimes say things to our children specially when we are angry but those were just words but deep inside I know that a mother’s love is boundless.”

“Wow swerte ang dumating sa buhay nila, god bless you more Angelica.”

“Sa situation nya nd sya bad mother dhil naitaguyod nya family sa mgandang paraan nd lng sya naintindihan ng anak kung bkit may konting pagkakamal dahil sa malaki silang family.”

“At sino ang matatamaan sa Plano na yan ang anak nya? Kakayanjn ba talaga ng nanay na makitang buong Mundo ang ang magtutulak sa anak nya pababa at gagapang sa Lusak kasama ang sariling Ina sa mga nagpapabagsak Kay Caloy?my God anong klaseng bansa ang pinas.”

“Yes I believed that the Family Yulo deserved to live in descent house na hindi siksikan ksama ang mga Lolo at Lola both sides at buong Family nila… na sana chance ni Carlos na ibigay sa knila kaso naging ganid na sya at madamot sa pera at inuna ang sarili at gf nya.”

“Basta ako hindi ako nagbibilang ng mga naitulong ko sa magulang ko kahit marami kaming magkakapatid dahil ako naman ang nabiyayaan mg maayos na buhay. Di naman ako inoobliga pero iba pa rin ang makita mo na ang magulang mo ay nasa maayos na kalagayan. Di sila dapat pinagdadamutan mo matter what the differences or conflict in the family.”

Ai-Ai delas Alas, may mensahe kay Angelica Yulo sa posibleng pagsali nito  sa Mrs. Philippines

“Mabuti silang magulang dahil tinaguyod Nila mag aswa mga anak nila sa larangan Ng sports. Ibig Sabihin supportado nila mga anak nila kahit sa mahirap na stwasyun kaso lng na Inlove sa golden boy lumaki ulo….wag nmn sana Ganon..sana mging ok na kayu mag family new year na sana mag saya na kayu Kasi mraminng Pera.”

“Dakilang ina kasi, kahit talintado ang mga anak mo kong walang pakialam ang magulang wala ring mararating ang mga anak.”

“Wala namang problema kung gawan ng pelikula  masmabuti lalo pa kung si Ai Ai ang gaganap or si mrs yulo mismo. sabi ng kapitbhay namin.”

“Bagay din si Sylvia Sanche, at cherry pie picache sa role as Angelica yulo. Sure na sure na mabibigyan nila ng justice ang character.”

Kayo mga ka-BANDERA may suggestion ba kayo? Go, go, go!!!