Nadine hindi totoong ikakasal na kay Christophe: ‘We’re not engaged!’

Nadine hindi totoong ikakasal na kay Christophe: 'We're not engaged!'

INAKALA ng lahat na “engaged” na ang aktres na si Nadine Lustre sa kanyang non-showbiz French boyfriend na si Christophe Bariou.

Ito ay dahil sa ibinandera ng aktres na ipinapakita ang sweet note ng partner na ang nakalagay ay, “Can’t wait to discover and conquer the world with you.”

Agad itong nag-viral na kahit ang supporters mismo ni nadine ay nagulantang at kanya-kanya na sila ng komento.

Pero kahapon, may paglilinaw si Christophe sa pamamagitan ng Instagram Live ng dalaga at klinarong: “We’re not engaged.”

Ang nasabing video ay nasa kusina ang dalawa at umiinom ng white wine at sabay sabi ng aktres, “And before we leave, one last thing (sabay tingin sa boyfriend na tila nagbigay ng go signal).

Two vessels run aground in Batangas port due to bad weather

“We’re not engaged!” diing sabi ng binata sabay tawa.

“No, one last thing I do have coming out this is something three years na in the making and we’re keeping it secret this time pero malapit nang i-launch, so, I’m very excited to this project,” tsika ni Nadine.

Wala raw pinagsabihan pa ang aktres tungkol dito kaya’t pahulaan ang supporters niya kung ano ito.

Kinukulit naman siya ni Christophe kung ano ito pero panay ang sabi ng dalaga ng, “Basta, I don’t wanna say anything.”

Kaya nag-IG Live si Nadine ay dahil gusto nitong pasalamatan ang brand partners niya at para sagutin ang mga tanong sa kamya ng fans, pero nadi-distract naman siya dahil panay ang labas ni Christophe ng kung anu-anong palaman para sa kinakaing tinpay nito.

“Ganyan siya (Christophe) kapag ganitong may (live) kung anu-anong palaman ang ilalabas hindi lang isa, kundi tatlo hanggang apat,” kaswal na kwento ni Nadine tungkol sa ugali ng boyfriend.

Naglabas pa ng ice cream ang binata habang nagkukwento ng recipe si Nadine tungkol sa sourdough bread sandwich na aniya’y nilalagyan niya ng butter, garlic, vegan cheese, vegan ham, urugula micro beans.

Nadine at Christophe, ikakasal na?! | Pilipino Star Ngayon

Nabanggit ding hindi na siya nagka-kape kundi matcha tea na lang at coconut milk sabay pakita ni Christophe ng brand na gawang lokal.

Samantala, may mga nabasa kaming “good wife to Christophe” raw si Nadine bilang nagsasama naman ang dalawa sa Siargao at luluwas lang ang huli sa Manila kapag may trabaho siya.

Tulad sa November 20 ay dadalo si Nadine sa media launch ng pelikulang “Uninvited” na entry ng Mentorque Productions, Project 8 Projects at Warner Bros. sa 50th year ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood sa December 25.

Ang daming nag-aabang na supporters ni Nadine kung ano ang role niya base na rin sa mga nabasa naming komento nang ilabas ang teaser drop ng karakter niya kung mabait o hindi siya sa tatay niyang si Aga Muhlach.

Kasama rin sa pelikula sina Tirso Cruz lll, Lolot De Leon, Mylene Dizon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Ron Angeles at Ms. Vilma Santos.