Ipinaliwanag ni Vice Ganda ang kanyang sarili sa mga nagkomento tungkol sa kanyang opinyon sa away-pamilya ng “EXpecially For You” contestant na si Ky sa August 20 episode ng It’s Showtime.
Sinabi ni Vice na kahit ano man ang isyu sa pamilya, hindi siya naniniwala na maaari itong i-let go, bagay na hindi sinang-ayunan ng isang netizen.
Komento ng nasabing netizen sa X (dating Twitter), “Sorry Meme Vice but hindi ako agree sa’yo this time
not every kid have a good relationship and supportive family, kung ikaw meron kang magandang relasyon sa mga magulang mo then good for you but don’t blame or invalidate someone –.”
Sinagot naman ito ni Vice at binigyang-diin ang isa pang punto na ibinahagi niya sa segment, kung saan sinabi niyang paraan ang pag-alis pansamantala sa bahay para huminga muna sa gitna ng hindi pagkakaunawaan ng mga miyembro ng pamilya.
Paglilinaw ng TV host, “Yes ur right. Kaya nga may part ng episode na yan na sinabi ko din na di mo masisisi ang iba na umalis dhil un ang paraan nila para makasurvive. Un ang paraan nila para maituloy nila ang buhay nila dahil ung pananatili nila sa bahay na un ay maaari nilang ikamatay o ikasama nila.”
Yes ur right. Kaya nga may part ng episode na yan na sinabi ko din na di mo masisisi ang iba na umalis dhil un ang paraan nila para makasurvive. Un ang paraan nila para maituloy nila ang buhay nila dahil ung pananatili nila sa bahay na un ay maaari nilang ikamatay o ikasama nila. https://t.co/3WiCIz19SG
— jose marie viceral (@vicegandako) August 20, 2024
Ipinaalala rin ni Vice na siguraduhing panoorin ang buong segment bago magbigay ng konklusyon para hindi ma-take out of context ang maliit na parte ng kanyang sinabi.
Reply niya sa isang tweet, “Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila ininvalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode.”
True. Though gets ko naman ung mga point nila. At tama din sila. Pero sana napanuod din nila at di nila ininvalidate ung iba ko pang sinabi sa isang buong episode.
https://t.co/PiBSqgUOas— jose marie viceral (@vicegandako) August 20, 2024
Sa sumunod na tweet ni Vice, nadismaya ang komedyante nang iugnay ng isang commenter ang kanyang statement sa family issues ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media.
Ayon sa tweet, “CONFIRMED. Vice supports Angelica’s side nga. Im so disappointed in you
@vicegandako I hope Carlos Yulo doesnt bother to guest sa showtime. #ShowtimeBestPick”
Sa buong segment, nabanggit ni Vice na mas mahirap solusyunan ang away-pamilya kaysa makakuha ng ginto sa Olympics. Pero hindi nagbigay ng opinyon si Vice tungkol sa personal na isyu ni Caloy kaya dinepensahan niya ang kanyang sarili.
Katwiran niya, “Ha?!!! Saan galing to? Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya.”
Ha?!!! Saan galing to? Never akong nagbigay ng opinion ko tungkol sa issue ng pamilyang yan dahil mas gusto kong icelebrate ang tagumpay ni Carlos Yulo kesa makisawsaw sa eksena ng pamilya nya. https://t.co/EiiHmcBF5g
— jose marie viceral (@vicegandako) August 20, 2024
Ini-repost naman ng hiwalay na X user ang buong clip kung saan sinabi ni Vice na hindi niya hinihikayat ang paglalayas. Bagkus, maaari itong maging defense mechanism para kumawala muna sa problemang hinaharap ng pamilya.
Opinyon ni Vice base sa It’s Showtime segment, “Hindi natin ine-encourage yung paglalayas o paglisan sa bahay at sa pamilya pero hindi natin masisisi yung ibang tao ah. Yun ang pamamaraan nila para maka-survive, yun ang paraan nila para maituloy yung buhay nila dahil ang pananatili nila sa loob ng bahay na yon ay maaari nilang ikamatay, ikaupos ng kanilang espiritu, ikaupos ng kanilang lakas, ikadilim ng kanilang pag-iisip at ikakaubos ng pagmamahal nila.”
Naka-relate naman si Vice sa “EXpecially For You” contestant na si Ky.
Patuloy niya, “No’ng nagte-therapy ako, ‘pag ‘di mo na kaya, time out, bitaw, ‘di mo pwede ipilit. Bibilis yung ikot ng mundo ng utak mo, iingay lalo sa utak mo.”
Dagdag na paliwanag ni Vice via X, “I don’t think it’s wrong to hope for every problematic family to resolve their issues and eventually reconcile. Pero alam ko din namang may mga kaso na dapat iligtas at ilayo ang mga miyembro ng pamilya sa pang-aabuso.”
Ayan. Salamat po! I dnt think its wrong to hope for every problematic family to resolve their issues and eventually reconcile. Pero alam ko din namang may mga kaso na dapat iligtas at ilayo ang mga miyembro ng pamilya sa pangaabuso. https://t.co/RDwu461Wfs
— jose marie viceral (@vicegandako) August 20, 2024
News
Eldrew Yulo Steps into the Limelight: Following in Brother Carlos’ Footsteps as SEAAA 2024 Ambassador
In an exciting development for the sporting world, Eldrew Yulo, the younger brother of celebrated gymnast Carlos Yulo, has been named the Ambassador for the Southeast Asian Achievement Awards (SEAAA) 2024. This prestigious role highlights Eldrew’s outstanding accomplishments and his…
Ogie Diaz, nausisa si Gerald Anderson ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia Barretto
– Natanong ni Ogie Diaz si Gerald Anderson tungkol sa nababalitang kasal na ito kay Julia Barretto – Ayon sa nababalita, sa Amerika raw umano nagpakasal ang dalawa – Gayunpaman, sinabi ni Ogie na sakaling totoo ito ay wala naman…
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
End of content
No more pages to load