Coco Martin dedicates award to Jaclyn Jose, Deo Endrinal

Coco Martin accepts award for FPJ's Batang Quiapo

Coco Martin on what’s next for FPJ’s Batang Quiapo: “Sabi ko nga wala pa, ang layo pa, di ko pa nari-reveal yung mga dapat ma-reveal na mga characters. Kaya marami pang mga kuwento, mas marami pang characters na papasok.”
PHOTO/S: @cocomartin_ph / @b617management Instagram

Inalay ni Coco Martin ang tinanggap niyang award para sa FPJ’s Batang Quiapo sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose at sa Dreamscape head na si Deo Endrinal.

Pinarangalan ang FPJ’s Batang Quiapo bilang Most Popular TV Program sa Primetime Drama category sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards 2024.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa awards night, na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University, noong nakaraang May 12, 2024.

Pagbibigay-pugay ni Coco, “Sobra kay Sir Deo, kay Mama Jane.

“Sa lahat ng bumubuo, sa lahat ng boss ng ABS-CBN na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa amin upang magkatrabaho ang mga kasama natin sa industriya.

“Para sa iyo ito, Mama Jane.”

Coco Martin at Guillermo Box Office Awards

Ang tinutukoy niyang “Mama Jane” ay si Jaclyn, na ang tunay na pangalan ay Jane Guck.

Pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 noong March 2, 2024; habang si Deo ay pumanaw sa edad na 60 noong February 3, 2024.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

COCO MARTIN ON TEAM BEHIND FPJ’S BATANG QUIAPO

Inalay din ng Kapamilya aktor ang award sa lahat ng bumubuo at sumusuporta sa show.

Aniya, “Masaya ako para sa buong team ng Batang Quiapo.

“Siyempre sobrang sarap sa pakiramdam dahil sobra naming pinaghihirapan ang pagbuo ng Batang Quiapo.

“Sobra akong nagpapasalamat sa team, sa lahat ng directors, sa lahat ng mga scriptwriters, creative, staff, and crew.

“Sobra kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga taong sumusubaybay at tumatangkilik gabi-gabi.

“Sobra akong nagpapasalamat kay FPJ, kay Tita Susan, sila ang aming inspirasyon para sobra pa naming pagbutihan ang trabaho namin.”

Ang tinukoy niyang “Tita Susan” ay si Susan Roces, ang asawa ni FPJ o Fernando Poe Jr.

Pumanaw si Susan sa edad na 80 noong May 2022.

Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies

Ayon kay Coco, marami pa ang dapat abangan ng mga manonood sa FPJ’s Batang Quiapo.

“Maraming, marami pa. Matagal pa ito. Sabi ko nga wala pa, ang layo pa, di ko pa nari-reveal yung mga dapat ma-reveal na mga characters.

“Kaya marami pang mga kuwento, mas marami pang characters na papasok.”

Read: Coco Martin reveals he noticed Jaclyn Jose’s sadness days before her passing

COCO MARTIN ON ELIJAH CANLAS

Samantala, hiningan namin ng reaksyon si Coco sa pasasalamat sa kanya ni Elijah Canlas.

Si Elijah ay gumaganap bilang kontrabida sa FPJ’s Batang Quiapo. Kasama rin siya sa main cast ng High Street, ang sequel ng series na Senior High.

Sa mediacon ng High Street noong May 7, nagpasalamat si Elijah kay Coco dahil hindi siya nagkaproblema rito nang magpaalam siyang mag-segue sa halos magkasabay na taping ng dalawang shows.

CONTINUE READING BELOW ↓

Gladys Reyes, Judy Ann Santos, MUNTIK NANG MAKIDNAP NOON? | PEP Troika Talk Ep. 16

“Oo naman, dun naman ako sa praktikal,” reaksiyon ni Coco.

“Sabi ko nga, kaya tayo nandito para maghanap-buhay.

“Binibigyan ko talaga ang lahat para magka-opportunity para lumipad, para magkaroon ng career, at makapaghanap-buhay lahat ng mga tao.”

COCO MARTIN ON PHILIPPINE MOVIES

Isa sa nagbigay ng ningning sa Box Office Entertainment Awards Night ay ang pagdalo ni Coco dito para personal na tanggapin ang award ng FPJ’s Batang Quiapo.

Sabi naman ni Coco, “Napaka-importante nito, e, para magtulung-tulong ang lahat ng mga taga-industriya para masabi nating buhay ang industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas.

“Kailangan talaga pag may mga ganitong okasyon, um-attend ka para maipakita mo sa mga tao.”

Nalulungkot siya sa sitwasyon ng Philippine film industry dahil muling humina ang box-office sales pagkatapos ng 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pero positibo pa rin si Coco na sisigla muli ang mga sinehan.

Matatandaang sumampa sa PHP1-billion mark ang gross ng ticket sales para sa sampung film entries ng 2023 MMFF.

Read: MMFF 2023 gross sales sumampa na sa PHP1B mark; Rewind naka-PHP600M na

Ani Coco, “I’m sure itong darating na December, mas marami pa ang sasali, mas marami pang tao ang manonood.”

Tinanong din namin kung may balak ba siyang sumali sa 2024 MMFF at kung sino ang mga artista na gustong makasama niya.

“Baka kasi ang dami pang mga projects na inaayos eh.

“Sino mga kasama? Wala pa, pinagmi-meetingan pa lang.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News