Kris Aquino ‘almost healthy’ na

Kris Aquino 'almost healthy' na

Ibahagi

AYAW mag-comment ni Kris Aquino sa comment ng isang netizen na “I hope you sisters wont’ fight like the Barretto wild crazy sisters! Lol!!!”

Kris

Sagot ni Kris, “You know that they are grieving, right? and there’s no need for us to add to their pain?”

Marami ang nag-agree kay Kris, baka nga naman kapag nag-comment siya, balikan siya ni Gretchen Barretto o kaya ng Barretto family at siya naman ang awayin. Saka, walang kinaalaman si Kris sa isyu nila, para mag-comment.

Dahil pala sa sagot ni Kris, mas marami ang humanga sa kanya at tama ang sagot ni Kris sa nag-comment na beautiful family ang pinanggalingan niya and to be a part of such an amazing family.

“Maybe it’s more accurate to say we were blessed to be raised by a 1 in 4 billion mom.”

Nabalita pala ni Kris na gumaganda ang health niya.

“Almost adjusted to my new medicine. Thank God” post nito na sinundan ng, “Almost healthy na.”

Kasama ni Kris ang kanyang supporters na nagdadasal sa tuluyan niyang paggaling para makabalik na sa television at paggawa ng pelikula. Higit sa lahat, para mas makasama pa siya nina Josh at Bimby ng mas matagal.