Natatawa lang si Paul Salas, 25, nang tanungin kung alam niya na siya ang “first ever crush” ni Andrea Brillantes, 20.
Four years old si Andrea nang magka-crush siya kay Paul, ayon mismo kay Andrea sa YouTube vlog ni Ivana Alawi.
“Nakarating na ‘yon sa akin,” natawang sabi ni Paul sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Zoom noong September 27, 2023.
Matagal na raw kakilala ni Paul si Andrea, na kilala rin sa palayaw na Blythe.
Lahad ni Paul: “At saka alam ko, before naman, nakakasama ko si Blythe, e, sa mga raket.
“Tapos, nagkaroon din kami ng isang movie shoot, Every day I Love You, yung kila Enrique Gil at Liza Soberano, nagkasama kami ro’n.”
Noon pa lang ay alam daw ni Paul na childhood crush siya ni Andrea.
“And open naman talaga siya about it. And si Mommy at saka yung mom niya, actually, magkakilala.
“So, parang matagal ko na rin alam na may gano’ng saying na noong bata siya [crush niya ako],” dagdag ni Paul.
WHEN did PAUL FIRST MET ANDREA?
Nagkatrabaho na rin sina Paul at Andrea noong mga bata pa sila.
Kuwento ni Paul, ang tito-ninong niya na si Dingdong Dantes ang nag-cast sa pinagsamahan nilang proyekto.
“Kasi, kay Tito Dong ‘yon, parang mini-film yata ni Tito Dong ‘yon, do’n kami unang nagkasama.
“Siyempre, si Tito Dong, parang halos siya rin ang isa sa naka-discover kay Blythe. Kung hindi ako nagkakamali, ha?
“Parang siya rin ang isa sa unang nakakita kay Blythe na, ‘Puwedeng mag-artista ‘to.’ So, triny niya sa parang ginagawa niyang mini-film. Parang own project niya ‘yon.”
Isinama rin daw ni Dingdong si Paul sa proyekto.
“And siyempre, as a pamangkin, ako na ang kinuha niya. Parang sa wedding yata ‘yon. So, do’n kami nagkakilala.
“Yun siguro ang unang pagkakataon na nakita niya ko kaya sabi niya ‘pogi ako.'” balik-tanaw ni Paul.
Sabay natatawa na nahihiyang bawi niya, “Joke lang.”
Nasa pito o walong taong gulang daw siguro ang edad ni Paul noon, habang apat na taong gulang naman si Andrea.
Sabi pa ni Paul, “Noong dating nagkakasama kami, alam ko nasasabi niya na, ‘Dati nga Kuya Paul…’
“May mga gano’n kaming biruan before, pero, hindi ko na lang maalala. Ang last na pagsasama namin noon, parang 16 or 17 ako.
“Matagal na ‘yon, siguro, nabalik lang ngayon kasi, natanong siya.”
Natatawa rin na sabi na ni Paul, “Tapos, sabi niya, ‘Wag na ‘kong umasa ngayon dahil hindi na raw [niya ako crush].'”
Tinanong namin si Paul kung ano ang reaksyon niya na noong bata lang siya nagustuhan ni Andrea, pero ngayon, hindi na.
“Okay lang ‘yon,” natatawang sagot pa rin niya.
“Actually, biruan lang ‘yon. Kung single ako, baka puwedeng humirit-hirit ako, pero hindi. May inaalagaan din akong relationship.”
REACTION OF PAUL SALAS’S GIRLFRIEND MIKEE QUINTOS
Girlfriend ni Paul ang kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos.
Ano ang reaksiyon ni Mikee sa rebelasyon ni Andrea sa vlog nito?
“Actually, alam niya ‘yon. Kasi, parang may lumabas na rin na article dati.
“At saka, parang sa mga interview ni Blythe, nasasabi niya ‘yon. Gano’n ka-open yung bata.
“Open din siya sa past life niya. Sa mga nangyayari sa buhay niya. Gano’n siya, e, kaya maraming nag-a-idol sa kanya.
“So, may idea rin si Mikee ro’n, so parang wala lang. Parang natatawa-tawa lang din siya. Wala naman siyang reaction or anything.”
News
Discovering the “reason” why Joshua Garcia stopped Vlogging
Celebrity vloggers have been dominating the YouTube scene since the pandemic for many various reasons. While some vlog for fun, others want to share a different side of themselves. For Darna star Joshua Garcia, it was because he simply wanted to jump on…
HOT: Joshua Garcia and Gabbi Garcia will reunite to star in a new TV series
New love team alert! Gabbi Garcia and Joshua Garcia are officially starring in a TV series together—a milestone of a collaboration between their home networks GMA and ABS-CBN. Dreamscape Entertainment announced the good news on its official page. “First in Philippine television history,” the production house wrote. To…
Joshua Garcia and Gabbi Garcia once again draw attention to *Chemistry*, starting their relationship again
It seems like Joshua Garcia and Gabbi Garcia are having the time of their lives in Europe! ICYDK, the two jetted off to Switzerland to film their newest romantic series Unbreak My Heart, and the cast decided to spend a few days in Milan, Italy….
Joshua Garcia’s “looks” that you’ve never seen before, uncover a big surprise
Just like many of his dramatic portrayals on screen, Joshua Garcia is no stranger to family conflicts in real life. Joshua was only a baby when his parents Geo Garcia and Marife Espineli separated. His elder sister, Lorenza Mae, is…
SHOCK: “Value” of the gift Joshua Garcia revealed to his father
One of Joshua Garcia‘s goals came true early this year. Almost five years since he joined Pinoy Big Brother: All In, the Batangueño actor bought his first property, a three-level townhouse in Quezon City. The house blessing was held on February 23 and was attended by…
Little known “truth” behind Joshua Garcia and Janella Salvador’s relationship
Joshua Garcia is starring in a new teleserye with a different leading lady. He’s joining Maja Salvador, Geoff Eigenmann, and Janella Salvador in an upcoming thriller romance called Killer Bride. From what has been revealed so far, it looks like the story is about the ghost of a…
End of content
No more pages to load