Bago ang interview ni Ai-Ai delas Alas sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes, November 11, 2024, ipinagdiwang niya ang kanyang 60th birthday sa All-Out Sundays noong Linggo, November 10, 2024.

Halatang pinipigilan ni Ai-Ai na maiyak at kitang-kita ang lungkot sa kanyang mga mata nang binati siya ng mga kasamahan niyang Kapuso stars sa kanyang birthday celebration sa AOS.

Read: Ai-Ai delas Alas confirms breakup with husband Gerald Sibayan

ai-ai delas alas all-out sundays

Ai-Ai delas Alas in All-Out Sundays 
Photo/s: GMA Network

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-promote din sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng pelikulang Hello, Love, Again.

kathryn bernardo alden richards hello love again

Kathryn Bernardo and Alden Richards in All-Out Sundays 
Photo/s: GMA Network

Medyo nakabawi ang AOS sa ratings, pagkatapos silang natalo ng ASAP Natin ‘To noong nakaraang Linggo. Naka-3.8% ang AOS, at 2.9% naman ang ASAP.

Okay rin ang mga sumunod na programa, kung saan naka-4.1% ang GMA Blockbuster, at ang katapat nitong Sunday Blockbuster ay 0.8% lamang, at ang May Puhunan ay 0.3%.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Regal Studio Presents ay 4.2%, at ang Resibo ay 5.2%.

SUNDAY PRIMETIME RATINGS

Pagdating sa primetime, naka-8.4% ang 24 Oras Weekend.

Ang TV Patrol Weekend ay 1.3%, at ang Frontline Pilipinas Weekend sa TV5 ay 2.3%.

Ang Bubble Gang naman ay 10.6%, at ang katapat nitong Tao Po ay 1.8%.

Consistent pa ring mataas ang The Voice Kids na naka-12.5%, at ang Rainbow Rumble ay 4%.

the voice kids

Tropa Ni Pablo in The Voice Kids 
Photo/s: GMA Network

Nag-celebrate ng 20th anniversary ang Kapuso Mo, Jessica Soho, kung saan kabilang sa featured stories nila ay sina Kathryn at Alden at ang BINI.

bini kmjs

BINI with Jesica Soho 
Photo/s: GMA Network

Naka-14.4% ang KMJS, at ang Mega Blockbuster naman ay naka-0.7%.

Sumunod ang The Boobay and Tekla Show na naka-2.9% lamang, at ang CIA with BA ay 1.2%.

NOEL FERRER

Noong Biyernes, November 8, ay naglaro sa Family Feud sina Kathryn Bernardo at Alden Richards kasama ang cast at direktor ng Hello, Love, Again.

Hindi ito naka-double digit ang rating dahil naka-9.8% lamang ito. Pero malakas ito online at nag-trending pa ang comments ng mga KathDen.

hello love again family feud

The cast and director of Hello, Love, Again in Family Feud 
Photo/s: GMA Network

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo mababa ang viewership nung Biyernes.

Naka-6.2% lamang ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.

Ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ay 7%.

Ang Shining Inheritance ay 7.3%, at ang Forever Young ay 6.4%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.7%, at ang Wil to Win ay 2%.

Ang Love at First Night ay 3.5%.

Samantala, okay naman ang primetime ratings ng GMA-7 shows noong Sabado, November 9.

Naka-8.7% ang 24 Oras Weekend, at ang TV Patrol Weekend ay 1%, ang Frontline Pilipinas Weekend naman sa TV5 ay 1.3 percent.

Sumunod ang Pepito Manaloto na naka-10%, at ang Rated Korina ay 3.8%.

Okay pa rin ang The Clash na naka-11.7%, at ang katapat na Rainbow Rumble ay 5.5%.

JERRY OLEA

May pasiklab ang Shopee sa 11-11 episode ng Family Feud ngayong Lunes.

GMA PRIME: WATCH AND WIN PROMO

This Monday rin ang umpisa ng GMA Prime: Watch and Win Promo kung saan ang mga kalahok ay maaaring magwagi ng cash prize na P5,000, at grand prize na P50,000.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Maagang pamasko ito ng Kapuso network para sa mga tagasubaybay ng primetime shows na Pulang Araw, Widows’ War, at Asawa ng Asawa Ko, pati ng infotainment program na Amazing Earth tuwing Friday.

To join, viewers simply need to wait for the special signal to appear on the screen during these programs. They can then scan the QR code with their phones.

First-time participants will be asked to register to join the contest and provide their first and last name as they appear on their valid ID, complete address, e-mail address, and valid mobile number.

After registering, participants must enter the promo code of the day displayed on the signal to submit an entry. The more entries submitted, the greater the chances of winning. Entries will close automatically at 10:20 P.M. when the GMA Prime block concludes.

Every Monday, five lucky winners will each receive P5,000 through a raffle conducted under the supervision of a DTI representative.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Verified winners will be announced every Wednesday on the GMA Prime block and the website of GMA Network. Winners will also be posted on the official Facebook pages of GMA Network and GMA Drama.

Ang GMA Prime: Watch and Win Promo ay mula Nobyembre 11 hanggang Disyembre 27, 2024. Ang grand draw ay sa Enero 2, 2025.

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-205752 Series of 2024.

Malamang na makatulong ang GMA Prime: Watch and Win Promo sa Pulang Araw, na limang linggo na lamang sa ere.

Disyembre 13, Biyernes, nakatakda ang finale episode ng primetime series nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.

Siyangapala, sa Miyerkules, Nobyembre 13, ay showing na sa local cinemas ang reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again.

Ayon sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ay may midnight screenings sa 72 select cinemas nationwide ang nasabing KathDen movie.

kathden gma-7 shows

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

MISS UNIVERSE NEW FORMAT

Nakatakda namang ipalabas ang 73rd Miss Universe ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC, sa Nobyembre 17, Linggo ng 9:00 A.M.

Ngayong taon, naglabas ang Miss Universe Organization ng bagong format ng kompetisyon.

Mula sa 130 na kandidata, 30 lang ang aabante sa timpalak, at 12 lang ang magkakabugan sa evening gown portion. Mula sa 12, limang binibini ang matitira sa question-and-answer round.

Mapapanood ang same-day replay simula 8:30 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel at iWantTFC.