Mikee napaiyak sa presscon dahil sa namatay na lola; Paul nagdrama rin

Mikee napaiyak sa presscon dahil sa namatay na lola; Paul nagdrama rin

Mikee Quintos, Paul Salas, Chef Hazel Anonuevo, Chef Ylyt Manaig at Kuya Dudut

APAT na taon nang magdyowa ang Kapuso celebrity couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos at in fairness, solid na solid pa rin ang kanilang relasyon.

Inamin ni Mikee na hindi niya in-expect na tatagal sila ng four years ni Paul dahil sa dami na rin ng kanilang pinagdaanang challenges bilang mag-partner.

Ayon sa Kapuso actress, isa si Paul sa mga naging sandalan niya noong may mga pinagdaraanan siya sa kanyang personal life at showbiz career.

Dumating daw siya sa point na nag-overthink na siya dahil matagal-tagal din siyang natengga sa trabaho. Huli siyang napanood sa seryeng “The Write One” last year.

Pero the wait is over nga para kay Mikee dahil finally ay muli na siyang mapapanood sa TV, and this time bilang host na ng cooking-talk show na “Lutong Bahay” sa GTV.

Kuwento ni Mikee, talaga raw mas naiyak pa si Paul nang lumabas na ang teaser ng “Lutong Bahay.”

“Alam n’yo ba nu’ng lumabas ‘yung plugging umiyak siya. Umiyak siya as in kasi ayun nga, he knew I felt. Siya ‘yung nag-comfort sa akin nu’ng medyo nag-o-overthink ako du’n sa tengga moments ko.

“And alam niya ‘yung pakiramdam and ‘yung meaning sa akin ng Lutong Bahay nu’ng pumasok ‘yung Lutong Bahay sa life ko,” sey ng dalaga sa presscon ng kanyang comeback show.

Pinakalma naman ng aktres ang sarili sa pagiging emosyonal, “Walang mag-iiyakan dito pero kasi I lost my lola nu’ng June and kinwento ko earlier na siya ‘yung laging nagluluto sa bahay, di ba?

“Tapos nu’ng wake niya parang sa family ko may isa-isa siyang naaayos na mga buhay ng mga kapatid ko, ng mga matatagal nang problema. Tapos lagi ko siyang binubulong.

“Sabi ko, ‘Nay ako din ha.’ Wala akong specific na hinihingi kay nanay na blessing, na ayusin niya sa life ko pero naramdaman ko nu’ng the morning after na sinabi sa akin ‘yung Lutong Bahay na si nanay, ito, kaya nangyari ito.

“Iyon ‘yung inayos niya sa akin. Nag-support siya. Kahit hindi niya napapanood ito, alam mo ‘yun, sobrang feel ko si Nanay.

“Sobrang na-feel ko na ‘yung guidance ng lola ko na alam niya ‘yung… hindi ko napapansin ‘yun kasi bago siya mamatay tinatanong niya ako, wala ka bang show, Mikee? Nami-miss na kita sa TV. May gan’un siya.

“Tapos right after niya mamatay pumasok ito. I’m sure kung naabutan niya ito, oh my gosh talaga. Ayun lang, ‘wag na tayong magdramahan,” pagbabahagi pa niya.

Nag-training din si Mikee as a chef bago siya sumabak sa “Lutong Bahay”, “Tinuruan kami nu’ng official workshop for it. Pero ‘yung talagang ‘yung urge ko na matutong magluto, hindi du’n nanggaling (sa dating serye na The Lost Recipe), du’n sa lock-in kasi du’n nag-umpisa ang lock-in eh.

“2020 nangyari ‘yun tapos siyempre ‘pag lock-in wala kang kasamang assistant, wala kang ano di ba sa taping tapos more than a month kayo du’n. Tapos du’n ko na-feel for the first time in my life ‘yung independence talaga na fully na ikaw lahat naglalaba ng everything,” aniya pa.

Patuloy pa niya, “And during the break, ang dami kong narealize, ‘yung pahinga na ‘yun, na parang sabi ko, oh, so this is how it feels kapag nati-tengga ka. Paul was a big help with those feelings.

“Lagi niyang pinapaalala sa akin nun na lahat ng artista nararamdaman ‘yan. Parang hindi mo kailangan mag overthink, ganyan-ganyan. Pero siyempre, dahil natural ‘yung feelings na ‘yun, di ba?

“Kung anu-ano iisipin mo, I chose to parang sabi ko, imbis na malunod ako sa sadness or mapunta ako sa magreklamo or whatever. Sabi ko, why not maghanap ako ng bagong skills.

“During those break, nag-request ako sa Sparkle, sabi ko, pwede ba ako mag-workshops? Hindi pa ako nagko-comm workshop ever, ‘yung public speaking workshops.

Mikee, naiyak na hindi na natikman ng lola ang kanyang luto | Pilipino Star  Ngayon

“So, I tried it out, and super nag-enjoy ako na tinuruan mag-hosting and everything. Tapos ang dami kong natutunan at ang daming nabago sa views ko pagdating sa showbiz din.

“Tapos, hindi ko lang inakala na ganito kabilis. ‘Yung inaral ko sa workshop, magagamit ko agad. like four months, five months in that workshop, kinontact ako for Lutong Bahay, so parang grabe talaga si Lord.

“As in grabe si Lord na parang doon ko na-realize, if pinili mong magtrust sa Kanya and to stay positive, He’s really gonna bless you more. And to trust the people around you, na, they’re gonna see eh,” sey pa ni Mikee.

Magsisimula na ngayong araw, October 28, ang “Lutong Bahay” sa GTV, 5:45 p.m. kung saan makakasama rin ni Mikee sina Chef Hazel Anonuevo, Chef Ylyt Manaig at Jaime de Guzman, o mas kilala bilang Kuya Dudut, mula sa grupo ng sikat na vloggers na “Team Payaman.”