Maris Racal na nagbigay komento sa “na-fall dahil sa sobrang lungkot”, binalikan ng netizens

Binalikan ng netizens ang naging pahayag ni Maris Racal ukol sa “na-fall dahil sa sobrang lungkot”. Ito ay matapos na maglabas ng pahayag ni Maris kaugnay sa isyu umano nila ni Anthony Jennings. Sa naturang pahayag nabanggit din niya ang mga katagang “I was lonely”. Matatandaang gumulantang sa publiko ang mga private messages sa pagitan umano nina Maris at Anthony na nailantad ng ex ng huli na si Jam Villanueva.

Sa kalagitnaan ng mainit na usapin ukol sa tambalang “MaThon”, binalikan ng netizens ang naging pahayag ni Maris Racal ukol sa “na-fall dahil sa sobrang lungkot”

Maris Racal na nagbigay komento sa "na-fall dahil sa sobrang lungkot", binalikan ng netizens
Maris Racal na nagbigay komento sa “na-fall dahil sa sobrang lungkot”, binalikan ng netizens (Philippine News/Maris Racal)
Source: TikTok

Sa TikTok clip na ibinahagi ng Philippine News, nagpayo si Maris sa sitwasyong “Sa sobrang lonely, na-fall ako sa ‘di dapat mahalin na barkada”

“Unang sentence mo pa lang… sinabi mo na agad na sobrang lonely. Never make decisions when your emotions are extreme. Extreme happiness or extreme sadness, ‘wag kang mag-decide agad. Kasi diyan nagsisimula ‘yung mga maling desisyon. Barkada mo pa! Tago-tago muna.

Test mo muna ‘yung waters kung gusto niya bang makipag-relationship sa’yo o hindi, then game. Pero tago mo muna sa sarili mo. Kasi kung importante ‘yung barkada, it’s just gonna break the friendship. You know naman na mali… Keep the friendship.”

Matatandaang sa naging pahayag ni Maris kamakailan, nasabi niya na “I was in a very dark place. I was lonely,” nang maramdaman din niya ang koneksyon umano nila ng ka-love team na si Anthony Jennings.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Mariestella “Maris” Cañedo Racal ay isang 23 anyos na Pinay actress, singer-songwriter, host, vlogger at endorser. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Nakarelasyon niya sa loob ng nasa limang taon ang Pinoy musician na si Rico Blanco.

Samantala, nakilala ang tambalan nilang ‘MaThon’ ni Anthony Jennings sa teleseryeng pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, ang ‘Can’t Buy Me Love’

Kamakailan, naging matunog ang kanyang pangalan matapos na isiwalat di umano ng ex-girlfriend ng ka-love team niyang si Anthony Jennings ang mga private message nila na labis na gumulantang sa publiko.

Kaugnay nito, isang product endorsement na ni Maris ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang partnership sa aktres. Hindi na rin muna isinama umano sa media con ng And the breadwinner is si Maris at Anthony na sinasabing para makaiwas muna na mausisa tungkol sa mainit na isyu.

Gayunpaman, isa sa mga proyektong inaasahang mapapanood ang tambalang MaThon ay ang seryeng Incognito na ipalalabas sa Enero 2025.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News