Sa Sabado ang alis ni Alden Richards papuntang Canada para samahan si Kathryn Bernardo sa shooting ng inaabangang reunion movie nila na ‘Hello, Love, Again’.
Hindi nakasabay si Alden na lumipad kay Kathryn noong Miyerkoles ng madaling araw dahil marami pang kailangang tapusin sa bansa ang Kapuso actor.
Panay ang taping ni Alden ng bago niyang serye at nitong Huwebes ay nag-groundbreaking pa siya kasama ang kanyang pamilya sa second branch ng franchise niya sa fastfood brand na ineendorso rin niya.
Noong 2019 binuksan ang first branch sa Biñan, Laguna ng business niyang iyon at after 5 years ay magsisimula nang i-construct ang Sta. Rosa branch.
Mukhang sinasabay ni Alden ang pagbubukas ng fastfood business niya sa tuwing may project sila ni Kathryn, ha. Lucky charm siguro ng aktor ang leading lady niya.
Kung matatandaan, halos sabay ang soft opening ng Biñan branch niya sa first shooting day nila ni Kath ng ‘Hello, Love, Goodbye’ sa Hong Kong noong April 2019.
At dalawang araw bago sila mag-shooting ng Asia’s Phenomenal Superstar sa reunion movie nila ay nag-groundbreaking ceremony naman sila ng Sta. Rosa branch niya na sinisimulan na rin ang construction. Bongga!
Actually, nakapag-shooting na si Alden sa Hong Kong para sa ‘HLA’ kasama sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam. Magsisimula kasi ang istorya ng bago nilang movie na nasa HK pa si Alden at susundan lamang nito si Joy (character ni Kath sa pelikula) sa Canada at doon nila ipagpapatuloy ang naudlot na pagmamahalan.
Nitong Huwebes at Biyernes nga ay tuloy-tuloy ang shooting ni Kathryn sa Canada. Enjoy na enjoy raw ito at mukhang inspired sa pagtatrabaho. Kakaibang Joy daw ang mapapanood dito. Nag-level up ang character niya rito kumpara sa ‘Hello, Love, Goodbye’.
Samantala, super excited na ang fans nina Kath at Alden sa muling pagkikita ng dalawa sa Calgary. Umaasa sila sa walang katapusang ayudang photos at videos. More than one month silang mag-i-stay doon kaya umaasa ang KathDen fans na tuluyan na raw made-develop ang dalawa habang kinukunan ni Direk Cathy Garcia-Sampana ang mga romantic and passionate scenes nila.
Talagang advance mag-isip ng fans. Kaloka!
Pero come to think of it, mukhang may possibility ngang mangyari iyon. Tuluyan na nga kayang mahulog ang loob ni Kath kay Alden?
Oh well…
News
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
Bea Alonzo reacts after touring Thailand at same time as Gerald Anderson, Julia Barretto
From left: Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto at the 2019 ABS-CBN Ball Philstar.com / Kat Leandicho, file MANILA, Philippines — Kapuso actress Bea Alonzo is unbothered to cross paths with her ex-boyfriends in the future. In GMA7 reporter…
Xian Gaza, sinagot ang netizen na nagtanong kung bakit sila naghiwalay ng ex
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=478551918363683&set=a.106700708882141&type=3&ref=embed_post- Sa kanyang post kamakailan ay pinakita niya ang aniya’y dinatnan niya nang umuwi siya sa bahay nila – Aniya, bago siya umuwi ay sinabihan niya na ang ex girlfriend niya na lumipat na – Bukod sa pagpuri niya na…
End of content
No more pages to load