Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia were spotted at the GMA Network building

Joshua Garcia, Jodi Sta.Maria được phát hiện tại tòa nhà GMA-7

Naging mainit ang pagtanggap ng GMA-7 staff sa Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia.

Sa Instagram reels ng GMA Network nitong Miyerkules, May 10, 2023, makikita ang video ng pagbisita nina Jodi at Joshua sa GMA Network building sa Timog Avenue, Quezon City.

Ito ang unang pakakataong tumapak ang dalawang artista ng ABS-CBN sa gusali ng dating kalaban nilang network.

Ang dahilan ng kanilang pagbisita ay para sa promotion ng teleseryeng Unbreak My Heart, ang kauna-unahang kolaborasyon ng pangunahing rival networks sa bansa, ang GMA-7 at ABS-CBN, kasama ang streaming platform na Viu.

Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria visit GMA Network for 'Unbreak My Heart' | GMA News Online

Mababasa sa caption ng GMA Network, “ICYMI: Joshua Garcia at Jodi Sta. Maria, bumisita sa GMA Network para sa #UnbreakMyHeart promo [red heart emoji].”

Bukod kina Jodi at Joshua, kasama rin nila sa Unbreak My Heart ang Kapuso stars na sina Richard Yap at Gabbi Garcia.

Sa isa pang video na in-upload ng GMA Network, makikita ang masaya at mainit na pagsalubong ni Gabbi kay Jodi sa Kapuso network.

“It’s giving me goosebumps. Grabe, kinikilabutan ako,” ani Jodi bago sila magkita ni Gabbi.

Nang magkita sila, isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Gabbi kay Jodi, sabay sabing: “Hi, welcome, welcome!”

Nakangiting sagot sa kanya ng Kapamilya actress, “Nakapunta na ako sa bahay mo.”

Hirit naman ni Gabbi, “Oo nga, kayo naman ang dumalaw, lagi na lang ako.”

NETIZENS REACT

Ikinatuwa ng maraming netizens ang pagdalaw nina Joshua at Jodi sa gusali ng GMA Network.

Anila, patunay lang ito sa magandang relasyon ngayon ng ABS-CBN at GMA-7.

Saad ng isang netizen (published as is), “Maganda ang kinalabasan naging magkasama ang 2 bigating network na dati e magkatunggali ngayun nagtutulungan.”

Sabi pa ng isa, “Nakakatuwa naman ang dating magkalaban ngayon magkakampi na. Wala talagang impossible.”

Hiling naman ng isa, “Sana tuloy tuloy and teamwork ng Gma at Abs cbn para maganda ang movie stars and productions.”

Ani pa ng isa, “They’re really breaking boundaries. Nakakatuwa, ang saya.”

Samantala, sa May 29, 2023, nakatakdang umere ang Unbreak My Heart.