Hindi raw naranasan nina Daniel Padilla, 27, at Kathryn Bernardo, 26, ang “cool-off” sa loob ng sampung taon nilang relasyon bilang magkasinahan.

Sa pagkakatanda nila, may pagkakataon lang na hindi sila nag-uusap ng ilang araw, pero naaayos pa rin nila.

Sabi ni Daniel, “Kami, katulad ng lahat ng nasa isang relasyon, nag-aaway kami, nagiging masaya kami.

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

“At the end of the day, it’s always a choice. Ten years na kami. Andami na namin pinagdaanan.

“But still, pinipili namin ang isa’t isa all the time.”

Kuwelang muwestra pa ni Kathryn, “Usually, pag nag-aaway kami, ‘Pikon na ako! Pikon na ako!’

“Pero after ilang hours pag lumamig na, ‘Okay, bati na tayo.’ Of course, may mga ganung time.”

Dahil matagal na rin silang magkasintahan, tantiyado na rin daw nila ang isa’t isa kaya hindi na sila sasabay kapag may isang hindi na maganda ang timpla.

Ganadong nakipagkuwentuhan ang lead stars ng 2 Good 2 Be True sa piling miyembro ng press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang magdiwang sila ng 11th anniversary bilang love team.

Dito ay nilinaw rin ni Daniel na hindi naman siya ang dominante sa relasyon nila ni Kathryn.

“Balanse lang. May mga araw na siya yung tigre, may mga araw na ako yung leon. Hahaha!

“Hindi naman yung laging ako ang masusunod. Kasi may sarili rin siyang diskarte, e,” sabi ng aktor.

Basta nakasuporta lang daw sila sa isa’t isa.

ON having their own time

Natutunan din ng couple na mahalaga talagang may sarili silang oras para sa mga bagay na magpapasaya sa kanila.

Lahad ni Daniel, “May mga biyahe siya na siya lang, so nagagawa niya yung gusto niya. Ako, lalo na pag Pasko, pamilya kasama ko.

“So, di naman kailangan sabihin na, ‘Kailangan magpahinga muna tayo,’ kasi may mga biyahe, may mga trip din kami na kasama niya tropa niya, kasama ko tropa ko.”

Sang-ayon ni Kathryn, “Dapat ina-allow niyo isa’t isa na may oras siya sa kaibigan niya, may oras namin together.

“And also, very important na make an effort na gawing exciting yung relationship niyo every day. Hindi siya kailangang mag-travel kayo every day.

“Para di ma-bore partner mo sa iyo, kailangan kung ano ang gusto niya, sabayan mo, ganun din [siya] sa iyo. Yun yung secret.”

Nagdiwang sina Kathryn at Daniel ng 10th anniversary bilang couple noong Mayo.

Noong Setyembre naman ay 11th anniversary nila bilang love team, at nag-party sila kasama ng KathNiel fans na matagal nilang di nakasama nang personal dahil sa pandemya.

Mayroon silang siyam na pelikula at anim na teleserye kunsaan sila ang magkatambal.