NAHE-HURT din ang content creator na si Chloe San Jose sa panghuhusga ng mga tao sa kanyang dyowang Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Relate much daw ang controversial social media personality sa pinagdaraanan ngayon ni Caloy hinggil sa mga isyu ng kanyang pamilya.
Ayon kay Chloe, naranasan na rin daw kasi niya ang ganitong mga problema sa sarili niyang family kaya ramdam niya kung gaano kahirap para sa kanyang boyfriend na harapin ito.
“Siyempre nasasaktan po ako kasi it happened to me na. So, I know how it feels like na your own blood is like parang putting you down. Hindi naniniwala sa ‘yo. Ganyan-ganyan,” sabi ni Chloe sa panayam ng “Toni Talks”.
“Yeah, family first pero family should be the first ones also na sinusuportahan ka, pinoprotektahan ka.
“So why is it the opposite? Sila ‘yung nangunang mag-down sa ‘yo, sila ‘yung unang hindi naniwala sa ‘yo,” patuloy na katwiran ni Chloe.
“So parang sa akin po, hindi po nagtutugma sa akin ‘yung ‘family first dapat.’
“So, family first should be the first ones to love you and support you unconditionally,” paliwanag ng dyowa ni Carlos patungkol sa alitan ng pamilya Yulo.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos si Carlos at ang kanyang inang si Angelica Yulo.
Mula nang manalo ng dalawang ginto ang binata sa 2024 Paris Olympics ay hindi pa siya nakikipagkita sa kanyang pamilya.
Ang palagi niyang kasama ngayon ay si Chloe na aniya’y isa sa mga taong naniwala at sumuporta sa kanya noong down na down siya at feeling mag-isa sa kanyang pakikipaglaban sa buhay.
Inamin ng mga magulang ni Carlos na si Chloe ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang samahan ng kanilang pamilya. Hindi raw magandang influence ang dalaga sa kanilang anak.
Sabi naman ni Carlos hinggil sa isyu ng kanilang pamilya, “Basta ako, alam ko po sa sarili ko, sa puso ko na napatawad ko sila and inamin ko sa sarili ko na nagkamali ako.
“Kinarma na ako kasi mali nga naman na sagutin mo sila ng ganu’n, na…siyempre emosyonal ka na po, eh. Gusto mo ipaglaban yung sarili mo and yung relationship niyo.
“Alam ko kung ano yung mali ko, tinanggap ko yun, ipinagdasal ko yun kay Lord, humingi ako ng tawad,” tugon ng binata.
Nauna rito, may FB follower naman si Chloe na naniniwalang darating din ang panahon na magkakasundo rin sina Carlos at mga parents niyang sina Mark Andrew Yulo at Angelica Yulo.
“Try to reunite and compromise with Caloy’s family. Chloe Anjeleigh San Jose you both will be blessed more,” payo ng isang netizen.
Ang makahulugang sagot sa kanya ni Chloe, “Reunion and compromise isn’t going to happen when the other party’s not willing to do so too.”
News
Si Mark Andrew Yulo ay Aksidenteng Binantaan si Carloy at ang Kanyang Girlfriend Tungkol sa Kanilang ‘Karma’ Sa Kanyang Livestream
Ang live stream ni Mark Andrew Yulo ay agad na naging paksa ng mainit na usapan matapos niyang magbigay ng mga pahayag laban sa kanyang sariling anak, ang dalawang beses na Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, at ang…
Vice Ganda, ibinunyag sa interview gaano siya kayaman: “Hindi ko na masukat ang yaman ko ngayon”
– Vice Ganda, in an interview with the president and CEO of a ride-hailing and delivery service, George Royeca, revealed just how rich she is today – Earlier, the two talked about the “It’s Showtime” host’s and comedienne’s career and…
MTRCB reacts to ‘It’s Showtime’ 12-day suspension’s effects on irregular workers
– The MTRCB released a statement regarding the effects of the 12-day suspension on “It’s Showtime” on its irregular workers – The board clarified that the suspension and the ongoing “no work, no pay” issue involving irregular workers are two…
‘Carlos thinks that his mother wants him to lose’ – Cynthia Carrion exposes about Carlos Yulo’s family feud
CYNTHIA CARRION, SINABIHAN UMANO NI CARLOS YULO TUNGKOL SA SAMA NG LOOB NG GYMNAST SA PA-MEDIA NG KANYANG INA. Inamin ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) President Cynthia Carrion na sinusubukan niyang kumbisihin ang two-time Olympic gold medalist na…
Carlos wish magka-baby kay Chloe: Gusto ko pong maging tatay!
Chloe San Jose at Carlos Yulo DIRETSAHANG sinabi ni 2-time Olympic gold medalist at Filipino gymnast na si Carlos Yulo na gusto niyang magkaroon ng baby. Isa raw iyan sa talagang mga pinapangarap niya sa buhay at sana raw ay biyayaan sila…
Carlos Yulo, ipinaliwanag kung bakit mas piniling manahimik na sa isyu ng pamilya
– Carlos Yulo and his girlfriend, Chloe San Jose, were recently interviewed by Toni Gonzaga – In ‘Toni Talks’ on YouTube, Toni asked Yulo why he chose to remain silent amid the issue – According to the two-time gold medalist,…
End of content
No more pages to load