Usap-usapan ngayon sa social media ang lumang video interview ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.
May koneksiyon ito sa naging pahayag ni Andrea sa vlog sa YouTube ni Vice Ganda noong Linggo ng gabi, July 16, 2023.
Dito ay ibinahagi ni Andrea ang mga bagay na nakatulong sa kanyang pagmu-move on sa hiwalayan nila ng dating nobyong si Ricci Rivero.
Ayon sa aktres, ang pag-iisip ng mga bagay na nakaka-turn off sa dati niyang karelasyon ang isa sa naging daan niya para tuluyang makalimot.
Sabi ni Andrea, “Minsan kung hirap ka mag-move on, kailangan mo talagang isipin na ‘Talaga ba, iiyakan ko yung lalaki na hindi nagpapa-laundry ng isang taon?'”
Dahil sa pahayag na ito, hinalungkat ng netizens ang interbyu ni Andrea sa YouTube vlog ng veteran broadcaster na si Karen Davila noong July 11, 2022.
Dito ay isiniwalat ni Andrea na mayroon siyang congenital anosmia, isang medical condition kung saan hindi siya makaamoy.
Pagbabahagi noon ni Andrea kay Karen, “Wala po akong pang-amoy at all.
“Wala po talaga, as in puwede po akong ututan sa mukha.
“Kasi inututan ako ni Daddy dati. Silang lahat, hinintay nila ang reaction ko. Doon ko na-realize, hala, may mali ba sa akin?”
Dagdag pa niya, “Kulang pa rin po ako ng five senses ko, as in kulang pa rin. Tsaka hindi ko pa rin na-experience yung world kung paano niyo siya na-experience.
“Ang meron lang ako, sensation, kapag yung rubbing alcohol yung parang lalamig.
“Yun lang, yung mga cooling-cooling. Pero amoy po, wala talaga.
“Wala po talaga akong memory ng kahit na anong amoy.”
NETIZENS REACT
Hindi napigilang balikan ng netizens ang naging pahayag noon ni Andrea at ikonekta ito sa naging rebelasyon niya ngayon.
Anila, ngayon lang sila naliwanagan kung bakit natagalan ni Andrea ang umano’y “kadugyutan” ng kanyang ex-boyfriend.
Tweet ng isang netizen, “Kaya pala natiis ni Andrea yung baho ni Ricci kasi meron pala siyang anosmia (condition na hindi siya nakakaamoy).”
Saad pa ng isa (published as is), “Duuh kadugyutan, kaya pala di naaamoy yung ex khit isang taon na walang laundry hahaha. Make sense.”
Hirit ng isa, “Kaya pala hindi naglalaba si ex mo kasi hindi mo naman pala maaamoy e, hahaha.”
Sabi pa ng isang netizen, “Nasagot na yung tanong ko kung bakit nakatagal si Blythe ng 1 year without laundry.”
“Grabe ha literal na labasan ng dirty laundry,” komento pa ng isa.
News
Filipino stars help Bunny Paras find a cure for daughter’s serious illness…What did Benjie Paras do?
Filipino Stars Unite to Help Bunny Paras in Her Search for a Cure for Daughter’s Serious Illness Manila, Philippines – Filipino celebrities are rallying behind former actress Bunny Paras, who is facing one of the hardest battles of her life…
Why Benjie Paras decided to bring son Kobe back home
MANILA, Philippines – Kobe Paras shocked fans last March 9 when he announced that he was leaving California State University, Northridge (CSUN) to turn professional. Plenty criticized his decision, especially as Paras had barely played collegiate basketball in the United…
Vice Ganda NAAAWA sa KALAGAYAN ni Billy Crawford NGAYON KRITIKAL NABA si Billy?
Isang malungkot na balita ang kumakalat sa social media kamakailan nang ipahayag ni Vice Ganda ang kanyang kalungkutan at awa sa kalagayan ng kanyang matagal nang kaibigan at kasamahan sa showbiz na si Billy Crawford. Sa kanyang Instagram post at…
Benjie Paras Joins NCAA Season 97 Broadcast Panel: A Legendary Presence Adds Insight and Excitement
Benjie Paras Joins NCAA Season 97 Broadcast Panel: A Legendary Presence Adds Insight and Excitement Manila, Philippines – Philippine basketball legend Benjie Paras is set to bring his expertise and charisma to a whole new arena as he joins the…
Look at the way Jackie Forster cheered the Benjie Paras match, now who’s the one turning face
Jackie Forster’s Heartfelt Support for Benjie Paras Sparks Fans’ Attention: Has She Had a Change of Heart? Manila, Philippines – Jackie Forster is making headlines once again, but this time, for something that has surprised many fans and followers. Recently,…
Sharon Cuneta and Kathryn Bernardo suddenly acted strangely after watching Julia Montes-Alden’s movie
A heartfelt and emotional video posted on GMA Network’s Instagram account touched hearts online, capturing the touching moments between screen legends Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo, and the dynamic duo of Alden Richards and Julia Montes during the premiere of their…
End of content
No more pages to load