Sister ni Carlos Yulo posibleng makalaban niya sa SEA Games?

Sister ni Carlos Yulo posibleng makalaban niya sa SEA Games?

MAY posibilidad na magkaharap ang magkapatid na two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at nakababata nitong kapatid na babaeng si Elaiza Yulo sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand na magaganap sa 2025.

Ayon sa naging panayam kay Elaiza, excited siya na makaharap ang kanyang kuya.

“Nakaka-excite pero medyo nakakakaba rin po,” saad ng kapatid ni Carlos.

Dagdag pa ni Elaiza, “Kasi parang pagpasok ko palang ng senior, SEA Games na po agad kaya nakakakaba din po.”

 

Si Elaiza ay isang Palarong Pambansa multi-medalist at dahil sa ipinakita nitong galing sa mga local at international competitions, nagkaroon siya ng spot sa national team pati na rin ang isa pa nilang kapatid na si Karl Eldrew.

At kung susuwertehin ang dalaga, may chance ring magkatapat silang magkakapatid sa darating na 2028 Los Angeles Games.

Sa kabila ng mga isyung patuloy na lumalabas sa naging gusot ni Carlos sa kanyang pamilya, hindi naman matatawaran ang mga naging ambag ng magkakapatid sa pagbibigay dangal sa bansa sa pamamagitan ng pagiging atleta.

Samantala, kamakailan lang nang ibandera ng kanilang ina na si Angelica Yulo ang mga natanggap na regalo kina Elaiza at Eldrew.

Sa ngayon ay tila hindi pa rin nagkakaroon ng ugnayan sina Carlos dahil base na rin sa naging post ng pamilya Yulo ay wala ito sa kanilang pamamasyal sa BGC.

Sa isang panayam ay nabanggit nito na maghahanda siya sa susunod na Olympics dahil plano pa rin niyang sumali.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News