– Nagpakita ng suporta si Boss Toyo sa pamilya Yulo sa pamamagitan ng pagbili ng P5,000 halaga ng mga produkto sa live selling ni Angelica Yulo
– Ibinahagi ni Mark Andrew Yulo ang komento ni Boss Toyo at pinasalamatan siya sa kanyang suporta
– Bukod sa pag-live selling ng mga damit, nagtitinda din si Angelica ng mga pagkain na sila mismo ang nagluluto
Si Jayson Luzadas, mas kilala sa online world bilang ‘Boss Toyo,’ isang content creator at negosyante, ay ipinakita ang kanyang suporta sa pamilya Yulo matapos niyang bumili ng mga produkto na nagkakahalaga ng libo-libong piso sa isang live selling na isinagawa ni Mrs. Angelica Yulo.
Boss Toyo, bumili ng libo-libong pisong halaga ng damit sa live selling ni mommy Angelica Yulo Source: Facebook
Habang nasa kalagitnaan ng live selling, napansin ni Angelica ang komento ni Boss Toyo kung saan sinabi nito na bibilhin niya ang ilang mga damit na umaabot sa halagang P5,000 bilang tanda ng kanyang suporta. R
“Cge pabili aq worth 5k n damit,” ani Boss Toyo sa kanyang komento, na ikinatuwa ng mga manonood at lalo na ni Angelica. Dahil dito, ibinahagi ng asawa ni Angelica ang mensahe ni Boss Toyo sa kanyang live selling at taos-pusong pinasalamatan ang content creator sa hindi inaasahang gesture.
Si Angelica at asawa nitong si Mark Andrew Yulo ay kamakailan lamang ang naging laman ng social media matapos ang isang viral live selling event ni Angelica na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. Habang ang ilan ay humanga sa kanyang pagsusumikap, may ilang nagbigay ng negatibong komento, ngunit hindi ito naging hadlang kay Angelica para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Ang suportang ipinakita ni Boss Toyo ay isang patunay na maraming tao ang handang tumulong at sumuporta sa pamilya Yulo sa kanilang mga pinagdadaanan.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang tanyag na gymnast mula sa Pilipinas na nagningning sa mga kumpetisyon sa gymnastics, partikular sa floor exercise at vault. Mula pagkabata, nagsimula na siyang magsanay, at nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan lalo pang pinahusay ang kanyang mga kakayahan. Noong 2019, siya ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.
News
Carlos Yulo Minura Ni Elizabeth Oropesa
Si Carlos Yulo, na dalawang beses nang nagkampeon sa Olympics, ay tumanggap ng sermon mula sa award-winning na aktres na si Elizabeth Oropesa dahil sa patuloy na paglayo nito sa kanyang mga magulang. Sa isang video, hindi napigilan ni…
Did Julia Barretto CONFIRM Breakup Rumours with Gerald Anderson?
(From left) Gerald Anderson and Julia Barretto. Image: Instagram/@andersongeraldjr Julia Barretto said she and her boyfriend Gerald Anderson are still going strong despite recent breakup rumors, which she considers a “compliment” as they were able to keep the real status…
WATCH: Gerald accidentally reveals being back together with Bea. What happened to Julia?
They’ve been mum about whether they’re officially back together. But a slip of the tongue appears to confirm that Gerald Anderson and Bea Alonzo are a couple once more. In an interview at the 2017 Star Magic Ball held Saturday…
Toni Gonzaga Nagsalita Na Kung Bakit Binura Ang Video Sa Naging Panayam Niya Kay Carlos at Chloe!
Nagulat ang mga tagahanga ng online talk show ni Toni Gonzaga, ang “Toni Talks,” nang mawala ang episode na tampok ang dalawang beses na Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at si Chloe San Jose sa YouTube. Dahil…
Vice Ganda, Pinasalamatan Ni Amy Nobleza Na Pinag Aral Niya Ng College
Lubos ang pasasalamat ng dating child star na si Amy Nobleza sa tulong na ibinigay sa kanya ni Unkabogable Star Vice Ganda, na naging malaking bahagi ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Kamakailan lamang, nag-post si Amy sa Instagram kung…
Ai Ai Delas Alas May Prankang Inamin Kung Bakit Mas Pinili Si Ej Obiena Ng Milo Kaysa Kay Carlos!
Tuwang-tuwa si Ai Ai Delas Alas sa pagkakapili kay E.J. Obiena, ang Olympic medalist na Filipino pole vaulter, bilang bagong endorser ng sikat na powdered drink na Milo. Sa kanyang pananaw, mas nararapat si Obiena sa posisyong ito kumpara…
End of content
No more pages to load