Ang bongga naman ng special guest sa 17th birthday ni Princess Pacquiao, anak nina Manny at Jinkee Pacquiao, dahil si Eunhyuk lang naman ng Super Junior ang kanyang bisita. Ilang Pinoy ba naman ang magiging bisita at babati sayo ng happy birthday sa kaarawan mo?
In-upload ni Jinkee ang videos ng birthday celebration ni Princess noong Oct. 1, at makikita si Eunhyuk na tsini-cheer si Princess at bini-video pa habang kinakanta nila ng sister niyang si Queenie ang Killing Me Softly With His Song.
Kumanta rin si Eunhyuk sa party ng As Long As You Love Me habang sumasayaw sina Manny at Jinkee.
Game ring nagpa-picture si Eunhyuk si pamilya nina Manny at Jinkee. Hindi magarbo ang party dahil naka-shorts at t-shirts lang ang birthday celebrant at ang kapatid. Sa picture taking na lang nagpalit ng pants sina Princess at Queenie.
Si Eunhyuk at Donghae ay members ng Super Junior D&E sub-unit at kaya nasa bansa dahil nagkaroon sila ng 2023 D&E World Tour Fancon sa Araneta Coliseum noong Sept. 30.
Ang swerte ng mga anak nina Manny at Jinkee, nakikita, nakakasama sa pagkain, nakakausap ang mga sikat na celebrity sa bahay nila mismo, hindi na nila kailangang lumabas pa ng bahay, sila ang pinupuntahan.
DonBelle, gustong maka-collab ang DongYan
Na-interview ni Cata Tibayan ang ilang Kapamilya stars sa ABS-CBN Ball 2023 at isa sa kanyang tanong ay kung sinong Kapuso stars ang gusto nilang makatrabaho?
Sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi naman ang choice nina Francine Diaz at Seth Fedelin. Wala silang binigay na rason.
Si Julia Barretto naman, si Jennylyn Mercado ang gusto sanang makatrabaho. “She’s always been so nice and sweet,” patungkol ni Julia kay Jennylyn.
Heart, ‘di feel ng local fashion mag?!
Nagtatampo pala ang fans ni Heart Evangelista sa Vogue Philippines dahil hindi raw pine-feature si Heart at lagi raw si Pia Wurtzbach ang pini-feature. Kaya nang i-feature ng Vogue si Heart gamit ang black and white photo nito, ang daming comment.
Tinawag pang bully ang Vogue at pinayuhang maging professional at ‘wag ipahalata na may favorite sila. May nagtanong pa kung hindi ba nagkamali ng post ang Vogue? Comment pa ng fan ni Heart, magpo-post din lang ang Vogue ng picture nito, bakit blurred photo pa ang ginamit.
Ipinaalala rin ng fans ni Heart na noong nagbigay ng dinner party ang Vogue Philippines, lahat ng Pinoy na nasa Paris Fashion Week inimbita maliban kay Heart. Tapos ngayon, kung kailan tapos na ang PFW, saka raw magpo-post ang Vogue ng tungkol dito.
Pero wala namang isyu kay Heart at ni-repost pa nga ang post ng Vogue, kaya dapat siguro mag-chill lang ang fans niya.
News
OMG! LUCY TORRES NAGSAMPA NG KAS0 LABAN KAY RICHARD GOMEZ AT DAWN ZULUETA!
Isang malaking balita ang umusbong sa mundo ng showbiz matapos ang pagsampa ng kaso ni Lucy Torres laban sa kanyang asawa na si Richard Gomez at aktres na si Dawn Zulueta. Ang insidenteng ito ay nagdulot ng gulo at tensyon…
DAWN ZULUETA EMOSYONAL NA ISINAPUBLIKO ANG ANAK NILA NI RICHARD GOMEZ!
Isang napaka-emosyonal na sandali ang nangyari sa mundo ng showbiz nang si Dawn Zulueta ay lumantad at isinapubliko ang kanyang anak na si Cassie, ang kanilang anak ni Richard Gomez. Ang pagbabahagi niya ng mga detalye tungkol kay Cassie ay…
MILO BRAND MAS TUMAAS ang SALES SIMULA ng PALITAN ni EJ Obiena si Carlos Yulo Bilang ENDORSER!
Isang malaking balita ang umikot sa mundo ng sports at marketing nang ilabas ng Milo ang kanilang bagong endorser na si EJ Obiena, kasunod ng pagpalit kay Carlos Yulo. Ang desisyon na ito ay agad na nagbunga ng positibong resulta,…
Netizens, ibo-boycott umano ang isang mall dahil sa pagbibigay ng gift card kay Carlos Yulo
Disappointed netizens vowed to boycott the shopping mall chain after they expressed their support to two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo. This week, Carlos visited the headquarters of the said mall at Pasay City, where he received a gift check…
REAKSYON ni SYLVIA Sanchez sa PAGBUBUNTIS ng ANAK na si RIA Atayde!
Ang aktres na si Sylvia Sanchez ay hindi na bago sa pagiging bukas at tapat tungkol sa kanyang pamilya. Kamakailan, naging tampok ang reaksyon ng ina nang ibalita ng kanyang anak na si Ria Atayde ang pagbubuntis nito. Isang malaking…
JUST IN! Sylvia Sanchez TINUTULAN ang PAGBABALIKAN nila Arjo Atayde at Sue Ramirez! Maine NAGBUNYI!
Nagulantang ang mga tagahanga ng showbiz nang maglabasan ang mga balita tungkol sa posibleng pagbabalikan nina Arjo Atayde at Sue Ramirez, dalawang kilalang personalidad sa industriya. Ang kuwento ay mabilis na kumalat matapos magbigay ng pahayag si Sylvia Sanchez, ina…
End of content
No more pages to load