Andre and Kobe Paras speak up about reconciliation with their mom Jackie Forster.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na rin ang magkapatid na sina Andre at Kobe Paras tungkol sa pakikipag-ayos nila sa kanilang inang si Jackie Forster pagkatapos ng 12 taon.
Sina Andre, 22, at Kobe, 20 ay mga anak ni Jackie sa dating asawa nitong si Benjie Paras.
Bago matapos ang Abril ay eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph contributor na si Jojo Gabinete si Jackie kung saan inilahad niya ang madamdaming pagtatagpo nilang muli ng kanyang dalawang anak.
KOBE DEFENDS DAD. Ngayong Miyerkules, May 9, sa eksklusibong panayam sa kanila ng gmanetwork.com, sina Andre at Kobe naman ang nagbigay ng pahayag tungkol sa pakikipagkasundo nila sa nawalay na ina.
Dito ay ipinagtanggol nila ang amang si Benjie, na sinisisi ng marami dahil sa matagal na panahong hindi pakikipag-ayos ng magkapatid sa kanilang ina.
May mga akusasyon kasing si Benjie umano ang nag-impluwensiya sa magkapatid na huwag makipag-ayos sa kanilang ina.
Ngunit ayon kay Kobe, “Ever since we were kids, our dad will always ask us if we want to see our mom.
“There’s a lot of people who think na… they’re talking bad about me—Andre, my dad, and I—our whole lives, because, like, they’re saying my dad is a bad person for not making us forgive our mom.”
Dahil sa murang edad, nagdesisyon daw noon sina Kobe at Andre na huwag munang makipagkita sa kanilang ina.
“We didn’t really know what forgiveness was,” dagdag ni Kobe.
Naging matagal daw ang proseso ng pagpapatawad, at sa loob ng mahabang panahong iyon ay nakagabay lang daw si Benjie sa kanila.
Saad ni Kobe, “He listened to what Andre and I had to say; not just with forgiving our mom but, like, in basketball and in school.
“He never forces to do anything.”
Dagdag pa niya, “Now that we’re mature, we’re happy na ito yung nangyayari.
“I’m just happy na this all happened in God’s blessing.”
Sa apat na taon daw niya sa showbiz, maraming beses siyang natanong tungkol sa relasyon niya kay Jackie.
Pahayag ng Kapuso actor, “I’d always say ‘no comment’ or ‘give me time.’
“And I’m thankful na you guys gave me time.
“And wala naman kaming sinabi na we hate her, we dislike her.
“It’s just that we needed time to heal, and like what Kobe said, we’re more mature now.”
Nagpapasalamat din si Andre sa kanilang stepmom na si Lyxen Diomampo, asawa ni Benjie, sa pag-unawa sa kanila.
Aniya, “She was there to treat us like her own…
“It hurts lang there are a lot of negative comments about her.”
Dagdag ni Andre, “I just want to thank my dad and stepmom for always being there for us, our stepmom for treating us like her own.”
Panghuling mensahe ni Andre, “There you have it, we’re all happy, and I hope you guys are happy as well.
“Kaya thank you so much for the patience, thank you again for the love and support.”
Nagtungo sina Andre at Kobe sa GMA Network Center ngayong araw para mag-courtesy call sa GMA-7 executive heads na sina Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon at President and COO Gilberto R. Duavit Jr.
News
It turns out that Kobe Paras fell in love with Kyline because the first time he saw her on the cover of a magazine, a new journey opened up. confession comes from Kyline
Kyline Alcantara and Kobe Paras to fly to China for a shoot The actress is set to star in the upcoming Kapuso adaptation of the K-drama “Shining Inheritance,” alongside Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager, and Coney Reyes. Kyline, however,…
Kobe Paras Surprises Kyline Alcantara On Stage
Isang nakakakilig at hindi malilimutang sandali ang naganap kamakailan sa isang malaking event, kung saan isang espesyal na sorpresa ang inihanda ni Kobe Paras para kay Kyline Alcantara sa mismong entablado, sa harap ng maraming tagahanga. Naging viral ang nasabing…
🔴Ikinagalit ni Kobe Paras nang Mabasa ang Liham Ni Kyline Alcantara kay Mavy Legazpi! 🔴
Kobe Paras, Ikinagalit Nang Mabasa ang Liham ni Kyline Alcantara kay Mavy Legaspi! Alamin ang Buong Kwento! Mainit na usap-usapan ngayon ang tila pagsiklab ng galit ni Kobe Paras matapos mabasa ang isang liham na sinasabing isinulat ni Kyline Alcantara…
Jackie Forster responds to fans saying they want to marry sons Andre, Kobe. Benjie Paras knows this or not…
Celebrity mom Jackie Forster had the sweetest reply to these fans who said they wanted to marry her sons — Andre and Kobe — with former basketball player Benjie Paras. Under her most recent Instagram post advising ladies on how to finally…
COCO MARTIN MATAPANG NA NILANTAD ANG TOTOONG PAGTAO AT UGALI NI JULIA MONTES SA TOTOONG BUHAY
Coco Martin, Matapang na Inilahad ang Tunay na Pagkatao at Ugali ni Julia Montes sa Totoong Buhay Nagbigay ng matapang na pahayag si Coco Martin kamakailan tungkol sa tunay na pagkatao ni Julia Montes, na matagal nang iniuugnay sa kanya…
YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN TULOY ANG KASAL | JULIA MONTES NAGPAUBAYA NA!
Yassi Pressman at Coco Martin, Tuloy ang Kasal? Julia Montes Nagpaubaya Na! Alamin ang Katotohanan sa Likod ng Tsismis! Muling umingay ang mundo ng showbiz matapos kumalat ang usap-usapang sina Yassi Pressman at Coco Martin ay magpapakasal na, at diumano’y…
End of content
No more pages to load