Daniel, gusto munang i-enjoy ang buhay, nagpa-ty kay Kathryn

Daniel Padilla

“I want to enjoy life. ‘Yun muna ang focus ko work and family,” pahayag ni Daniel Padilla matapos siyang muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kahapon na kanyang naging tahanan for 15 years.

Kumpleto rin ang mga bossing ng ABS-CBN – president and CEO Carlo Katigbak, chairman Mark Lopez, COO for Broadcast Cory Vidanes, CFO Rick Tan, and Star Magic head Laurenti Dyogi.

Nang tanungin siya ng kanyang sikreto pagdating sa tagumpay sa kanyang career : “Well isa lang naman, being true to yourself. ‘Yun lang naman ang ino-offer ko simula nang magsimula ako sa industriya na ito- just me being myself na ipinapakita ko sa tao, hinding-hindi nagbago ‘yon.

“At siyempre sa trabaho, dedication, ‘yung dedication mo rin sa mga mga tao na manonood noon. Pagdating sa musika ‘yun mga makikinig sa music na ‘yon.”

Pero di rin niyang nakalimutan  ang ex na si Kathryn Bernardo.

“Maraming-maraming salamat, Kathryn, sa ating maraming taon na pinagsamahan.”

“Hinding-hindi mawawala sa puso ko ang magaganda nating memories, at ang ating mga adventures at journeys na pinagsamahan.

“Thank you very much,” sabi niya na napanood sa live streaming.

Ang napansin lang ng ibang nanood, parang nagkalaman si Daniel at tumabok ang pisngi.

Nauna nang nag-renew ng kontrata sa Kapamilya si Kathryn.