Jane de Leon Drops Bombshell: Secret Romances with Three A-List Actor Revealed

Jane quips she really kept her relationships with these actors a secret

jane de leon

Kapamilya actress Jane de Leon talks about three actors she had secret relationship with and a “traumatic relationship.” 
PHOTO/S: @imjanedeleon on Instagram

Nagmistulang blind item ang mga rebelasyon ni Jane de Leon tungkol sa tatlong artistang lalaki na kanyang nakarelasyon.

Na-hot seat si Jane sa interview ni Vicki Belo at asawang si Hayden Kho sa March 10, 2023 vlog ng cosmetic doctor.

Inusisa si Jane ukol sa mga artistang lalaki na naging “more than friends” niya, kung ano ang nagustuhan niya sa mga ito, at bakit nauwi sa hiwalayan.

“Yung mga nakaka-date ko naman ay naging boyfriend ko. Malayo talaga ang agwat sa akin kasi gusto ko mas matured,” pagbubunyag ni Jane.

Binanggit din ng Darna actress na walang masyadong nakakaalam tungkol sa mga nakarelasyon niyang mga aktor na nauwi lahat sa breakup.

FIRST GUY

Tinanong si Jane kung nalaman ba ng publiko na nakarelasyon niya ang aktor na ito.

“Lahat naman secret sa akin!” natatawang sagot ng aktres, pagtukoy na hindi niya isinapubliko ang identity ng mga aktor na kanyang nakarelasyon.

Inilarawan ni Jane ang unang aktor bilang “super mabait talaga siya.”

Lahad pa niya, “Taga-Laguna pa ako nun, e. Though sa ABS nagwo-workshop-workshop pa ako noon, tapos andun siya sa Deal or No Deal.

“Kahit pinu-push away ko na siya, super grabe, ma-effort talaga.

“Dun ko nakita ang respect niya kasi sinabi ko kailangan niya munang harapin ang family ko bago ako.”

Inusisa si Jane kung naging boyfriend niya ang aktor.

“Parang kayo na hindi kayo,” sagot ng aktres.

Sixteen lamang daw noon si Jane, habang 24 anyos na ang aktor.

“Sinabi ko sa kanya, ‘Kahit magtagal tayo, baka mag-break din tayo.’

“Pero grabe, sobrang ma-effort, super-bait niya, and na-meet niya pa yung dad ko.”

Pumanaw ang ama ni Jane noong 2016.

Humirit sina Vicki at Hayden na kilala nila ang aktor na ito, na inilarawan nilang “gentleman, very proper.”

Sinabi ni Jane na kaibigan pa rin niya ang aktor at bukas siyang makipagtrabaho rito.

SECOND GUY

Ibinulong ni Jane kay Hayden kung sino ang aktor na pangalawa niyang naging boyfriend.

“Akala ko hindi siya straight,” sabi ni Hayden.

Pero nilinaw ng aktres na na straight ito dahil nakarelasyon niya.

Paglalarawan ni Jane, “Maalaga din naman siya, super talaga, as in lalo na sa health ko, number one.”

Sinabi ni Hayden na at one time ay naging maganda ang katawan ng aktor na ito.

Maganda raw ang ipinakita ng aktor na ito nang nililigawan si Jane.

Inusisa ni Vicki si Jane kung hindi niya nakita ang worst side ng lalaki.

“Yun talaga di ko nakita, e,” sagot ni Jane.

Binigyan pa raw ni Jane ng second chance ang aktor pero nag-break pa rin sila.

THIRD GUY

Pagbubunyag ni Jane ang pinakahuling aktor na nakarelasyon niya ay recent lamang.

Ang nabulalas na paglalarawan ni Hayden sa aktor ay “baguhan.”

“Wala talagang nakakaalam kahit sa circle of friends ko,” ani Jane.

Nagkarelasyon daw sila habang ginagawa ni Jane ang Darna.

“Napaka-supportive, as in super talaga. During ano ito, e, di ba, Darna,” pagbubunyag ni Jane.

Subalit naghiwalay raw sila dahil na rin sa hectic ng schedule ni Jane at sa isa pang rason na hindi ibinunyag ng aktres.

Tinanong din si Jane kung nagkaroon ba siya ng traumatic relationship.

“Meron naman,” sagot niya. “Don’t get me wrong, this guy is super-mabait, pati maalaga.”

Sumundot si Jane na hindi rin naman siya isang perfect girlfriend.

“May mga flaws naman ako. Siguro hindi lang kami nag-meet halfway or may mga bagay na hindi lang talaga kami meant,” rason niya.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News