MAYNILA — Sa masayang naging pagbisita ng Sexbomb girls sa “Gandang Gabi Vice” nitong Linggo ng gabi, muling napag-usapan ang ilan sa mga markadong proyekto ng female dance group kabilang na ang “Daisy Siete.”

Matatandaan na isa sa mga naging bahagi ng “Daisy Siete: Isla Chikita” ang aktor na si Coco Martin.

 

Pinaamin tuloy ng “GGV” host na si Vice Ganda kung kanino noon na-link at nagkaroon ng “something” si Coco Martin.

Sa pagpupumilit ni Vice napaamin niya si Che-Che Tolentino na minsang naging malapit noon kay Coco.

“Mabait lang po talaga si Coco,” nakangiting pahayag ni Che-Che sa “GGV.”