Ogie Diaz Binabatikos Dahil Isiniwalat Ang Hiwalayan Nina Liza Soberano At Enrique Gil
Binabatikos ngayon ng mga LizQuen fans ng American-Filipino actress, Liza Soberano ang dating manager nitong si Ogie Diaz, matapos isiniwalat ng huli ang umano’y hiwalayan ng celebrity couple.
Matatandaan na sa isang episode ng Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz, ipinahayag niya ang balitang nakarating sa kanya mula sa isang source na tahimik nang naghiwalay sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Pagbabahagi ni Ogie, nagsimula umano ang mga chika na baka hiwalay na ang dalawa sa mga nakaraang pahayag ni Liza kung saan hindi nito binabanggit ang pangalan ni Enrique.
Isa pa sa mga nagpapatindi sa mga speculations ay ang pahayag ni Liza Soberano tungkol sa mga loveteams. Kung saan sinabi niyang minsan ay napipilitan na lamang ipakita ng nasa iisang love team na mahal nila ang isa’t-isa upang sumaya ang kanilang mga fans.