Iloilo's Karen Laurrie Mendoza bids goodbye to beauty pageants

Masakit na masakit para kay Karen Laurrie Mendoza ng Iloilo ang hindi niya pagkakapasok sa winning circle ng Binibining Pilipinas 2022.

Ginanap ang 58th edition ng national pageant sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City, kagabi, July 31.

Ito na ang pangalawa niyang pagsabak sa pageant kung saan pareho siyang talo sa magkasunod na taon.

Hanggang Top 12 lamang ang inabot ni Karen sa Binibining Pilipinas 2022.

Sa kanyang Instagram Story ngayong Lunes, August 1, sinabi ni Karen na mas nakakatakot ang pagsabak niyang muli sa pageant.

Ngayon lamang daw siya umiyak nang ganito para sa isang kaganapan. Pero kampante naman daw siyang may naiwan siyang marka bilang beauty queen.

Buong mensahe ni Karen: “The second time was scary. And I never cried this much over a situation ever. But I know I am a Queen because I left a remarkable footprint!

“PS: Biggest group hug was last night. In the parking lot, please pray for my mental health.

“Karen Laurrie signing off.”

Iloilo's Karen Laurrie Mendoza bids goodbye to beauty pageants

Bukod kay Karen, pasok din sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2022 sina Yllana Marie Aduana (Laguna), Diana Mackey (Nueva Ecija), Jasmine Omay (Tarlac), Roberta Angela Tamondong (San Pablo, Laguna), Chelsea Fernandez (Tacloban City), at Nicole Budol (Angono, Rizal).

Masuwerte ring napabilang sa Top 12 sina Annalena Lakrini (Bataan), Anne Carres de Mesa (Batangas), Stacey Daniella Gabriel (Cainta, Rizal), Nicole Borromeo (Cebu), at Gabrielle Basiano (Eastern Samar).

Si Nicole mula sa Cebu City ang kinoronahan bilang Bb. Pilipinas-International 2022.

Ang Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022 ay si Gabrielle ng Samar, at Bb. Grand International 2022 naman si Roberta ng Laguna.

Hinirang na Bb. Pilipinas Globe 2022 si Chelsea Fernandez ng Tacloban City.

First runner-up ang kandidata mula sa Angono, Rizal at Kapuso star na si Herlene at second runner-up naman si Stacey Daniella ng Cainta, Rizal.

Si Nicole ay sa Miss International 2023 pa lalaban sa pageant abroad dahil si Bb. Pilipinas-International 2021 Hannah Arnold ang lalaban sa taong ito.

Na-cancel ang Miss International last year dahil sa COVID-19.

“WHEN IT IS OKAY NOT TO BE OKAY?”

Lumikha ng ingay si Karen noong Binibining Pilipinas 2021 dahil sa katanungan ng guest panelist na si Boy Abunda.

Tanong ni Boy: “Ngayon madalas nating naririnig, it’s okay to not be okay. My question is, when is it okay not to be okay? And when is it not okay to be not okay?”

Sinubukan ni Karen na itawid ito.

Sagot niya: “You know, sometimes it’s hard to move on especially that if we lost our loved ones, when we’re depressed, when we have anxiety, but most of all, when we want to move forward in life.

“You know, my favorite saying in a movie, Disney’s Inside Out, is ’embrace your sadness, because in embracing your sadness, you will feel happiness afterwards.’”

Nag-trending ang pangalan ni Boy dahil sa sari-saring reaksiyon ng netizens sa katanungan niya.

Nakapasok si Karen sa Top 13 ngunit hindi siya nakakuha ng korona at anu