– Napuno ng tawanan ang bagong segment ng It’s Showtime na ‘Bata Bata Pick’
– Ito ay matapos makatanggap ng ‘funishment’ si Vice Ganda nang mabunot siya bilang alay
– Bilang ‘funishment’ ay kailangan niyang gayahin ang sayaw ng isang ‘Baby Doll dancer’ na nagpakita ng sayaw na kung saan paikot-ikot ang ulo
– Habang ginagawa ni Vicce ang sayaw ay natanggal ang kanyang wig at agad siyang tumakbo backstage
Napuno ng tawanan at saya ang bagong segment ng It’s Showtime na ‘Bata Bata Pick’ sa isang hindi inaasahang pangyayari. Ang sikat na komedyanteng si Vice Ganda ay nabunot bilang alay at napiling makatanggap ng ‘funishment’.
Vice Ganda, napatakbo sa backstage matapos matanggal ang wig habang sumasayaw Source: Youtube
Bilang bahagi ng kanyang ‘funishment’, kailangan gayahin ni Vice Ganda ang sayaw ng isang ‘Baby Doll dancer’.
Ang sayaw ay may kakaibang galaw kung saan paikot-ikot ang ulo na siyang naging hamon para kay Vice. Sa gitna ng kanyang masiglang performance, isang nakakatuwang insidente ang naganap: natanggal ang kanyang wig!
Dahil dito, agad na tumakbo si Vice Ganda papunta sa backstage, na nagdulot ng malakas na tawanan mula sa mga hosts, studio audience, at mga viewers.
Maraming netizens ang agad na nagbahagi ng kanilang reaksyon sa social media, karamihan ay nagtatawanan at nagkomento sa pagiging sport ni Vice Ganda sa kabila ng nangyari. Ang insidenteng ito ay mabilis na nag-viral at naging usap-usapan sa iba’t ibang online platforms.
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It’s Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Hindi nag-atubili si Vice Ganda na magtanggal ng kanyang wig upang ipadama sa kalahok sa Expecially for You na si April. Ani Vice, hindi na siya taong affected sa mga taong napapangitan sa kanya pag wala syang wig. Dagdag pa niya, may wig o wala, alam niyang may mga nagmamahal sa kanya. Hindi napigilan ni April na maiyak at maging ang mga studio audience ay naging emosyonal din.
Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng “Sir”. Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding “Sir” pero tinanggap lang niya ito nang walang galit. Naglabasan ang mga videos, memes, at art cards tungkol sa insidente ni Vice Ganda sa “It’s Showtime”. Patuloy pa rin ang bashing sa nasabing writer kahit naglabas na siya ng official statement tungkol sa isyu.
News
SHOCK: Ion Perez breaks silence on rumours ‘CHEATING’ on Vice Ganda
PHOTO: @praybeytbenjamin on Instagram Ion Perez took to Instagram to address bashers who think he will cheat on Vice Ganda! Ion Perez condemned accusations made by critics that he will most likely cheat on his partner, the Phenomenal Box Office Star Vice…
SHOCK VIDEO: VICE GANDA’S WIG BEING PULLED IN CANADA, AND HIS CALM REACTION
Photo lifted from the Instagram account of Kapamilya host Vice Ganda. @praybeytbenjamin via Instagram MANILA, Philippines — Host-comedian Vice Ganda kept a calm composure as he confronted a couple of fans who tried to pull his wig while at a concert…
Gerald Anderson, inihayag naramdaman sa pelikula ni Julia at Joshua: “Awkward talaga trabaho namin”
– Gerald Anderson, in an interview with ABS-CBN, expressed what he felt about the movie of Julia Barretto and Joshua Garcia – In an interview, he was first asked of his reaction about rumors about him and Julia, as well…
Rumored gf ni Joshua Garcia, nanood ng pelikula nina Joshua at Julia Barretto
– Masayang ibinahagi ni Emilienne, rumored girlfriend ni Joshua Garcia, ang kanyang kagalakan matapos mapanood ang pelikulang #UnHappyForYou – Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa talento nina Joshua Garcia, Julia Barretto, at director na si Antoinette Jadaone – Sinabi ni…
Joshua Garcia, ginulat mga fans sa kissing scene nila Julia Barretto sa pinost na BTS video
– Joshua Garcia’s fans were thrilled at his kissing scene with ex-GF Julia Barretto in the “Un/Happy For You” BTS video that he posted – In the video, one can see one scene where the ex-couple hugged and kissed –…
Charlene Gonzalez reacts to Julia Barretto’s stunning photo: “beautiful”
– Julia Barretto didn’t fail to captivate the netizens with her new post on Instagram – The actress showed off her stunning outfit and captioned her post with an ice cream emoji – Furthermore, Julia’s post has gone viral and…
End of content
No more pages to load