gerald fajardo yulo family chloe sa jose

Gerald Fajardo (right photo, leftmost), a close friend of the Yulo family, accuses Chloe San Jose (right photo, center) of ruining her boyfriend Carlos Yulo’s (right photo, rightmost) family. Carlos is currently in conflict with his parents, Mark Andrew and Angelica Yulo (left photo).
PHOTO/S: Mark Andrew Yulo Facebook / Gerald Fajardo Facebook

Ang pagbabahagi ni Mark Andrew Yulo sa Facebook page nito ng social media post ng isang Gerald Fajardo ang tila kumpirmasyon niyang lehitimo ang mga nakakaintrigang paratang ni Fajardo laban kay Chloe San Jose.

Si Mark ay ang urong-sulong na ama ng two-time Paris Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Si Chloe ang kontrobersiyal na kasintahan ni Carlos, na tinatawag ding Caloy.

Base sa Facebook profile ni Fajardo, isa itong “coach” ng modeling, dancing, acting, at personality development.

Pinaniniwalaang malapit siya sa pamilyang Yulo dahil kabilang sa Facebook “friends” niya ang mga magulang ni Carlos na sina Mark Andrew at Angelica Yulo, pati na ang nakababatang kapatid ng Olympic champion na si Karl Eldrew Yulo.

Sa pagbisita rin sa kanyang Facebook page ay makikita ang mga larawan ni Fajardo kung saan kasama nito ang pamilya Yulo, at maging sina Carlos at Chloe.

Gerald Fajardo with Carlos Yulo and Chloe San Jose

Gerald Fajardo with (left photo) Angelica Yulo and her children Karl Eldrew and Elaiza, (right photo) Chloe San Jose and Carlos Yulo. 
Photo/s: Gerald Fajardo Facebook

GERALD FAJARDO’S POST

Sa kanyang Facebook post kahapon, September 5, 2024, bini-blame ni Fajardo ang malakas na impluwensiya ni Chloe kay Carlos bilang dahilan ng pagiging mailap at malayo sa pamilya ni Caloy mula nang sumambulat ang hidwaan nila ng kanyang inang si Angelica.