Christopher de Leon recalls losing everything: “Nasanla yung bahay. Zero balance in the bank.”
“Nobody wanted to get me because I was a pain in the neck.”
Christopher de Leon recounts the time when he had an attitude problem. “I became a headache. They shied away from me, all of the producers.”
Inamin ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon, 66, na may panahong iniwasan at inayawan siya ng mga producer dahil sa kanyang hindi magandang pag-uugali.
Umabot din sa puntong nalugmok noon si Christopher dahil naisanla ang bahay at nalimas ang ipon niya.
Pag-amin ni Christopher, lumaki ang ulo niya noon.
“It gets into your head sometimes, especially kung bata-bata ka. You feel like you’re still Superman,” pangungumpisal ng aktor sa interview ni Korina Sanchez noong April 30, 2023.
Read also:
Ito raw ang mga panahong nasa kasagsagan siya ng kanyang kasikatan at wala nang sumusuway sa kanya.
Ani Christopher, “I was on my own. I had my own house, and every weekend istambay ng grupo, parties left and right…
“You get lost because of the klieg lights. You get blinded by the fame and all that.”
Gaano kalala ang inabot niya nang malugmok siya?
“It was really bad,” sagot ng seasoned actor.
Umabot daw talaga siya sa “rock bottom.”
“I was at the end of my rope. Nobody wanted to get me because I was a pain in the neck.
“There was a time yung producer ko na yung gigising sa akin sa room ko, ‘Wake up, may trabaho tayo.’
“Yung producer mo ginigising ka, no, because they’re shooting. ‘Ah, meron ba? Okay, okay.’
“So, I became a headache. They shied away from me, all of the producers. It’s not good.”
Kahit si Christopher ay alam niyang mahusay siyang aktor, pero aminado rin siyang sakit siya sa ulo.
“People were shying away from me because I was obnoxious and all that. Rowdy,” aniya.
“I LOST EVERYTHING.”
“I lost everything. Nasanla na yung bahay. Nagbanggaan yung mga kotse ko. I was, like, zero balance in the bank. Umabot na ako dun,” pag-amin ni Christopher.
Hanggang sa naramdaman daw ni Christopher na gusto na niyang magbago. At alam niyang kailangan niya ng tulong.
Noong mga panahong iyon ay mag-asawa na sila ni Sandy Andolong at dalawa pa lamang ang kanilang anak.
Hindi naman daw siya tinalikuran ng kanyang pamilya.
“Nung sinabi ko na nagbago na ako, naniwala naman sila.”
Isa raw ang kanyang pamilya sa mga dahilan ng para ayusin ang sarili.
“It was also because I love my kids, my children so much. So I had to ano…” dugtong ni Christopher, na may limang anak kay Sandy.
Napagtanto raw ni Christopher na ayaw niyang sayangin ang kanyang buhay.
Sabi niya, “Kailangan mong mag-survive, e. Then you have a family, mari-realize mo you are fortunate to have all of this and then biglang you’re throwing it away. Di puwede. Di tama.”
Pinalad naman daw siyang bumalik ang sigla ng kanyang showbiz career.
Sa ngayon, aktibo pa rin ang karera ni Christopher at nagsipagtapos na lahat ng kanyang mga anak.
Kasalukuyan siyang napapanood sa FPJ’s Batang Quiapo.
Malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga tumulong sa kanya.
“Hindi mo magagawa yan nang sarili mo. Di lang ikaw yon. You have to hold on to [God],” sabi niya.