Kylie Padilla on AJ Raval being bashed because of romance with Aljur Abrenica: “I actually wanted to talk to her.” – LA

Kylie Padilla on AJ Raval being bashed because of romance with Aljur Abrenica: “I actually wanted to talk to her.”

Kylie Padilla to Aljur and AJ: “I wish you guys are more careful.”

Hinarap ni Kylie Padilla ang isyu tungkol sa paghingi ng paumanhin sa kanya ni AJ Raval matapos i-reshare ng sexy actress sa Facebook ang maanghang na mga salita ni Aljur Abrenica laban kay Kylie.

Kaugnay ito ng alegasyon ni Aljur na si Kylie umano ang unang nagtaksil sa kanya.

Pinutakti ng bashers sina Aljur at AJ kahit ilang beses nang nilinaw ng dalaga na hindi siya ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa.

Noong October 20, ipinaliwanag ni AJ na hindi niya intensiyong idiin si Kylie nang i-repost nito ang paninisi ni Aljur kay Kylie kung bakit nawasak ang kanilang pamilya.

Sabi ni AJ: “Hindi naman sa nakikisawsaw ako sa issue. Shinare ko yun kasi I’m trying to protect myself and my family because people are accusing me.

“Tinatawag nila akong kabit. Tinatawag nila akong homewrecker, which is hindi naman totoo.

“Wala akong sinirang pamilya. At never ako maninira ng pamilya.”

Walang isyu si Kylie kay AJ.

Sa panayam kay Kylie sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na umere sa GMA-7 kagabi, October 24, sinabi nitong naiintindihan niya ang hirap ng kalooban ni AJ.

AJ Raval says sorry to Kylie Padilla for sharing Aljur Abrenica's post  accusing her of cheating | ABS-CBN Entertainment

Sabi ng 28-year-old Kapuso actress: “I actually wanted to talk to her kasi napagdaanan ko rin ‘yan, yung bina-bash ako dahil nililigawan ako.

“I wanted to talk to her to help her out on how to handle it para maiwasan lang yung nangyari ngayon.

“But my help’s not being asked so I will not give it na lang.”

KYLIE ON ALJUR AND AJ’S PDA: “I wish you guys are more careful.”

Ayon pa kay Kylie, walang kaso sa kanya ang pagkakamabutihan nina AJ at Aljur dahil nagkasundo naman sila ng aktor maaari na silang makipag-date sa iba nang maghiwalay sila noong Abril.

Pero kung tinira raw siya ni Aljur sa social media para mapagtanggol ang sarili nito, hindi raw kasalanan ni Kylie kung patuloy pa ring napupulaan sina Aljur at AJ.

“I totally understand kung doon sila nanggagaling kasi siyempre, siya [AJ] yung bagong nililigawan, e. Naba-bash na sila.

“I’ve been on that side, and I know how scary and confusing and sobrang nakakasira siya ng mental health, di ba?

“But I wish na iningatan na lang nila.

“They can’t blame me for that too because we had an agreement din that we can both see other people.

“I wish you guys are more careful. Don’t blame it on me.”

Malinaw na tinutukoy rito ni Kylie ang public display of affection nina Aljur at AJ habang nasa mall, pati na rin ang pagkalat ng iba pang litrato nilang magkasama.

Kylie Padilla – Wikipedia tiếng Việt

ON ALJUR CALLING OUT ROBIN’S “ONE-SIDED STORY”

Sa kabilang banda, tanggap ni Kylie na posibleng ang nag-udyok kay Aljur na magpakawala ng maanghang na salita laban sa kanya ay dahil sa rebelasyong may “third party” ang aktor.

Ang nagsapubliko nito noong Hulyo ay ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Ikinatuwiran ni Aljur sa kanyang post noong Oktubre 19 na si Kylie ang unang nagkaroon umano ng ibang lalake bago siya nagkaroon ng ibang babae.

Pero nandingan si Kylie na wala siyang “extra-marital relationships with other men” noong sila pa ng mister.

Hindi naman binanggit ni Kylie kung sa kasalukuyan ay mayroon na rin siyang bagong napupusuan.

Sabi lang ni Kylie: “I understand saan nanggagaling yung ex ko because my daddy cares, nakita niya na malungkot ako noong time na yun, so nakapagsalita siya.

“Naramdaman ni Aljur na kailangan niyang sabihin yung side niya, and he’s entitled [to that], pero it boils down kasi kung paano natin iha-handle yung sitwasyon, e.”

Sabay tukoy uli ni Kylie kina Aljur at AJ: “Noong pinasok nila yung sitwasyon na yun, alam naman nila kung anong sasabihin ng mga tao.”

Tingin ni Kylie, hindi maiiwasang mapulaan sila ng mga tao dahil kasal pa rin sila ni Aljur sa paningin ng iba.

“Kasi on paper, we’re still married even though we’re separated. Sana iningatan na lang,” ulit ni Kylie.

Unang umugong ang problema sa marriage ng couple nang mag-post sa Instagram si Kylie ng cryptic posts noong Pebrero 2021.

Sa timeline ni Kylie, sinabi niyang naghiwalay sila ni Aljur noong Abril 2021.

Pero naisapubliko lamang ito noong Hulyo 7, nang ihayag ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na may “third party” si Aljur kaya sumuko na si Kylie.

Makalipas ang ilang buwan, noong huling bahagi ng Setyembre, naging tampulan ng espekulasyon ang litrato ni Aljur na natunugan ng netizens na kuha sa bahay ni AJ sa Pampanga.

Nakarating ito kay Kylie, pero October 1 pa lang ay nilinaw niyang hindi ito isyu sa kanya dahil nagkaintindihan daw sila ni Aljur na puwede na silang makipag-date sa iba.

Noong October 5, unang inamin ni AJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanliligaw sa kanya si Aljur at mayroon silang magandang unawaan.

October 6 nang maging mainit na usapan sa showbiz ang viral photos nina AJ at Aljur na magkayakap at magka-holding hands habang namimili sa isang mall.

Dito lumala ang mga batikos sa dalawa.

Noong October 11, may mga kumalat na screenshot ng private chat ni Kylie sa kanyang fans.

Dito tuwirang inabsuwelto ni Kylie si AJ at sinabing hindi ito ang “third party” sa breakup nila ng asawang si Aljur.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2024 News