Nag-reconnect ba si KC Concepcion at ex-boyfriend na si Aly Borromeo?

Is KC Concepcion dating Aly Borromeo again?

Read: KC Concepcion “kilig to the bones” with rumored boyfriend Aly Borromeo

Kagabi, October 7, 2024, ibinahagi ni KC sa Instagram followers na dumalo siya sa Azkals Celebrity Cup kunsaan kabilang si Aly sa mga manlalaro.

Makikita si Aly sa short video clip mula sa football game na nakapaloob sa Instagram carousel.

Caption ni KC, masaya siyang muling makapanood ng football kasama ng kanyang “crew” at ng kanyang “football fam.”

KC Concepcion attends Azkals Celebrity Cup to watch Aly Borromeo

At the Azkals’ Celebrity Cup held on October 7, 2024.

Sa comments section ng IG ni KC, isa sa mga nag-iwan ng mensahe ay ang kapatid ni Aly na si Annie na hindi nakapanood ng game.

Sumagot si KC na na-miss niya si Annie.

Aly Borromeo at Azkals Celebrity Cup

Sa hiwalay namang IG post ni Aly, nagbahagi siya ng litrato ng kanyang team.

 

Aly Borromeo at Azkals Celebrity Cup
Aly Borromeo and fellow football players at the Azkals’ Celebrity Cup. Aly is on the grass.

Read: KC Concepcion opens up about her struggles with having broken family: “Minsan, mapi-feel mo na mag-isa ka lang sa gitna.”
KC CONCEPCION AND ALY BORROMEO IN PARIS


Pero kamakailan, nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source sa kampo ni Aly na tila nag-reconnect ang ex-couple.

Tinutukso rin daw sina Aly at KC ng common friends nila.

Noong August 2 ay nagpahiwatig na si KC na magkasama sila ni Aly sa Paris.

May IG story si KC kunsaan makikita ang putol na mukha ni Aly, tanging ang man bun nito at nakapikit na mata ang nakunan ng camera.

Kuha ang litrato sa tapat ng Vacheron Constantin boutique sa may Rue Danielle Casanova.

KC Concepcion shows photo of Aly Borromeo in Paris
KC Concepcion shows photo of Aly Borromeo in Paris

Dalawang taong magkasintahan sina KC at Aly bago sila naghiwalay noong March 2018.

Ipinahiwatig noon ni KC na maayos ang hiwalayan nila ni Aly, at “timing” lamang ang naging isyu nila.

“If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then,” bahagi pa ng pahayag noon ni KC.

Nagpokus si Aly sa career nito, at sinusuportahan daw ni KC iyon.

 

Noong magkasintahan sila, parehong may basbas ng kanilang pamilya ang kanilang relasyon.

Ang huling nakarelasyon ni KC ay si Mike Wuethrich, isang Filipino-Swiss na nagtratrabaho sa isang bangko sa Switzerland.

KC CONCEPCION BONDS WITH SISTER
Sa kabilang banda, masaya si KC na makapiling si Samantha Concepcion, kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion.

KC Concepcion bonds with sister Samantha ConcepcionPhoto/s: @kristinaconcepcion. samantha con

cepcion, gabby’s daughter, watching the same game.
Nagpalitan pa ng mensahe sina KC at Samantha sa comments section ng post ni KC.

KC Concepcion bonds with sister Samantha Concepcion. Makikita rin sa carousel ni KC ang pagkikita nila

ng kanyang kaanak na si Gab Valenciano.

KC Concepcion catches up with relative Gab Valenciano.

Photo/s: @kristinaconcepcion. KC with Gab Valenciano, nephew of KC’s STEPFATHER KIKO PANGILINAN.
Ani KC kay Gab, sana ay mag-get-together ang mga ito soon.

KC Concepcion message to relative Gab Pangilinan