– Nag-post si Darryl Yap ng banat sa beauty regimen ni Chloe San Jose, girlfriend ni Carlos Yulo
– Ibinahagi ni Chloe ang kanyang skincare routine na kinabibilangan ng cleanser, toner, serum, at sunscreen
– Nag-caption si Darryl ng “Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo” sa post ngunit binawi ito sa comments section
– Pinalitan ni Darryl ang kanyang banat ng biro, sinabing “*gaganda. Sorry, nakaAuto yung Kakapal”
Muling nagpakawala ng kontrobersyal na banat ang direktor na si Darryl Yap kay Chloe San Jose, girlfriend ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Darryl ang isang interview kung saan ibinahagi ni Chloe ang kanyang beauty regimen.
Darryl Yap sa beauty tip ni Chloe San Jose: “Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo” Source: Facebook
“I have cleansing balm po and after is cleanser, the foam cleanser, toner, serum, moisturizer and then sunscreen,” ani Chloe tungkol sa kanyang skincare routine. Nang tanungin kung gaano katagal ang kanyang routine, sagot ng dalaga, “No naman hours, few minutes!”
https://www.facebook.com/reel/843992724511820/?ref=embed_post
Gayunpaman, binawi ni Darryl ang kanyang pang-ookray sa comments section. “Gaganda. Sorry, nakaAuto yung Kakapal,” biro ng direktor, na kilala rin bilang direktor ng box office hit na “Maid in Malacañang.”
Patuloy namang umaani ng komento at reaksyon ang post, at inaasahan na magiging usap-usapan ito sa social media sa mga darating na araw.
Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas, na ipinagmamalaki dahil sa kanyang natatanging mga pagtatanghal sa iba’t ibang kompetisyon ng gymnastics, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lang nang magsimula siyang magsanay, at kalaunan ay nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at mag-ensayo sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang talento. Noong 2019, ginawa niyang kasaysayan bilang unang Pilipino na nakapag-uwi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships.
Binalikan ng netizens ang lumang post ni Angelica Yulo tungkol sa kanyang sakripisyo bilang ina. Ibinahagi ni Angelica kung paano niya sinantabi ang kanyang mga pangarap para sa kapakanan ng kanyang mga anak.Umani ng iba’t ibang reaksyon ang post, lalo na’t naging mainit ang usapin ang tungkol sa tampuhan nila ng anak niyang si Carlos Yulo. Naging usap-usapan din ang relasyon ni Carlos kay Chloe San Jose na posibleng may kaugnayan sa isyu.
Binebenta na ng pamilya Yulo ang kanilang bahay sa Imus, Cavite. Makikita sa mga larawan ang dalawang palapag na property na binili nila ilang taon na ang nakalipas . Naka-display ang mga parangal ni Carlos Yulo sa family room, kabilang ang kanyang gold medal sa 2021 Gymnastics World Championships. Mas pinili ng pamilya Yulo na manirahan sa Leveriza Street, Manila kaya hindi naaasikaso ang property.
News
Vice Ganda dismisses rumors he broke up with Ion Perez: ‘Masaya kami’
Ion Perez and Vice Ganda. Image: screengrab from YouTube/It’s Showtime Vice Ganda shut down rumors that he and his partner Ion Perez have broken up, stating that they recently spent time apart only to keep the “balance” in their relationship….
Vice Ganda reveals how Aga Muhlach played an important role in relationship with Ion
Did you know that It’s Showtime host Vice Ganda is actually friends with veteran actor Aga Muhlach? And we’re able to get a glimpse of their unexpected friendship through the former’s latest vlog, wherein she got to interview the latter about his…
Julia Barretto and Joshua Garcia Spark Kilig Vibes Behind the Scenes of Un/Happy for You
It’s official: JoshLia is back! Screencaps: Star Cinema Just this April, Julia Barretto and Joshua Garcia’s much-awaited reunion movie was announced. JoshLia fans weren’t expecting it, but dreams do come true! Star Cinema even hypes them up with behind-the-scenes glimpses…
Angelica Yulo, welcome sa pagsali sa Mrs. Philippines 2025, ani MPO President Erika Joy Santos
– Angelica Poquiz Yulo, the mother of two-gold Olympic medalist Carlos Yulo, is welcome to join the Mrs. Philippines 2025 beauty pageant – The President of the Mrs. Philippines Organization, Erika Joy Santos, herself made the announcement in a recent…
Vice Ganda, kwelang binanggit si Cristy Fermin sa ‘It’s Showtime’
– Vice Ganda humorously inserted Cristy Fermin’s name on ‘It’s Showtime’ – This happened during the September 11, 2024, episode of their ‘Kalokalike!’ segment – The namedrop happened when Vice asked Kim Chiu to ask the Ariana Grande Kalokalike! contestant…
Vice Ganda, nagbiro matapos sumingit daw magperform si Anne Curtis: “Respect naman sa ibang artists”
– Kinaaliwan ang hirit ni Vice Ganda kay Anne Curtis matapos umano itong sumingit na mag-perform – Sa kanilang show na #BidaKapamilya sa SM City Pampanga, kasama sina Vice Ganda, MC, Lassy at Anne Curtis sa mga nag-perform – Hirit…
End of content
No more pages to load