Kilalang ‘Sawsawera Queen,’ muling nagbigay ng kanyang opinyon si RR Enriquez at ngayon ay patungkol ito sa two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na kamakailan ay naging usap-usapan dahil sa pagsusuot niya ng crop top. Sa kanyang pahayag, pabirong sinabi ni RR na hindi na raw siya magtataka kung balang araw ay magladlad si Carlos, katulad ng American Olympic gold medalist na si Caitlyn Jenner.

Sa kanyang post, binanggit ni RR ang pangalan ni Caitlyn Jenner, isang American Olympic gold medalist na nagdesisyong iladlad ang kanyang sarili bilang transgender. Ayon kay RR, baka balang araw ay magdesisyon din si Carlos na gawin ang parehong hakbang ni Caitlyn. Bagamat tila pabiro ang kanyang sinabi, marami sa kanyang mga tagasubaybay ang nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon sa kanyang pahayag.

Bukod sa kanyang biro, ibinahagi rin ni RR ang kanyang pananaw na baka mas matapang lang talaga ang mga kabataan ngayon, partikular na ang mga Gen Z, pagdating sa pagpapahayag ng kanilang sarili sa pamamagitan ng pananamit. Ayon kay RR, hindi raw takot ang mga kabataan ngayon sa pag-eeksperimento sa kanilang estilo at pananamit.

“On a serious note we are in 2024 era where GenZ individuals fearlessly explore and express themselves through fashion… They are unafraid to experiment with their style choices,” pahayag ni RR.

Matapos ibahagi ni RR Enriquez ang kanyang opinyon, agad itong umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. May mga pumuri sa kanya dahil sa pagiging totoo at prangka, habang ang iba naman ay tila hindi sang-ayon sa kanyang pahayag. Ang ilan ay nagtanggol kay Carlos Yulo at sinabing dapat respetuhin ang kanyang fashion choices, habang ang iba ay natuwa sa pagiging pabiro ng komento ni RR.