Hindi pinalampas ni Yassi Pressman ang isang netizen na inaakusahan siyang third party sa relasyong Coco Martin at Julia Montes.

Nag-ugat ito sa dalawang magkasunod na cryptic posts ni Yassi sa Instagram noong March 31.

Sa unang post ni Yassi, may kalakip itong written text na nagsasabing “trust: firm belief in the reliability, truth, ability, or strength of someone or something.”

Sa ikalawang post ni Yassi, makikita ang screencap mula sa music video ng kantang “Thinking of You” ni Katy Perry.

Wala itong anumang caption.

 

Pero sa comments section ng naturang post, isang netizen na may Instagram handle na @charityhappy ang nagsabing panay ang “pagpapapansin” ni Yassi kay Coco.

Si Yassi ang leading lady at gumaganap na misis (Alyana) ni Coco (Cardo) sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano. Tatlong taon nang magkatrabaho ang dalawa sa show.

Ang netizen na si @charityhappy ay may Instagram posts na nagpapahiwatig na supporter ito ni Julia.

Si Julia ay dating leading lady ni Coco at matagal nang inuugnay na girlfriend umano ng aktor.

Sabi ni @charityhappy kay Yassi: “may mga aswa na yang cast sa AP syempre kampo yang mga yan sa original… sabit ka lang eh.

“May natalo nga sa pustahan kasi hindi ka nagpost ng pusa… matapos magpost ni coco ng pusa… may pumusta na mgpopost ka ng pusa after few days.

“Basang basa na ang pagpapapansin mo @yassipressman.”

Makikita ito sa comments section sa Instagram post ni Yassi noong March 31.

Kalmado pero malinaw ang mensahe ni Yassi na hindi uubra sa kanya ang pambabatikos ng netizen.

Sabi ng Kapamilya actress: “@charityhappy you are not welcome here [hug emoji] have a good day

“@charityhappy this is my account dear, only good vibes :)”