John Lloyd Cruz (left) made his comeback TV appearance last Sunday, June 6, via Shopee’s TV special aired on GMA-7; Vice Ganda’s news show Everybody, Sing premiered on Kapamilya Channel on the same day.
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
GORGY RULA
Mataas ang rating ng Shopee 6.6-7.7 Mid-year TV Special noong Hunyo 6, Linggo, kung saan nag-trending ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa showbiz.
Naka-5.3% ito, at so far, ito ang nakakuha ng may pinakamataas na rating sa Linggo ng hapon.
Ang katapat nitong FPJ: Da King na ipinalabas sa A2Z, TV5, at Kapamilya Channel ay naka-4%.
Mukhang inabangan ng taumbayan ang guesting ni John Lloyd sa TV special na pinag-usapan.
Naka-5.1% ang All-Out Sundays, at 2.7% naman ang combined ratings ng ASAP Natin ‘To.
Okay ang rating ng sumunod sa Shopee special na Dear Uge, na naka-4.5%; 5.1% ang Biyahe ni Drew, at 8.6% naman ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes.
Kinagabihan ay naka-13.5% ang replay episode ng Daig Kayo ng Lola Ko, at 15.8% naman ang finals ng Centerstage.
Naka-20.5% ang Kapuso Mo Jessica Soho, at 5.7% ang The Boobay and Tekla Show kung saan nakakaaliw ang guesting ni Mahal.
Hindi ganoon ka-impressive ang rating na nakuha ng Everbody, Sing ni Vice Ganda na nagsimula noong Hunyo 5, Sabado.
Naka-1.8% ito noong June 5, at 1.7% naman noong June 6.
Ang bagong episode ng Magpakailanman, tampok sina Kristoffer Martin at Elle Villanueva, ay naka-16.5%.
Naka-2.9% naman ang Maalaala Mo Kaya sa A2Z.
JERRY OLEA
Dahil ang taong 2021 ay hindi leap year, meron itong 365 araw.
Ang araw na kalagitnaan ng taon ay sa Hulyo 2. Ito ang ika-183 araw ng 2021.
Ibig sabihin, mas malapit ang kalagitnaan ng taon sa 7-7 (Hulyo 7) kesa sa 6-6 (Hunyo 6).
Nitong nakaraang weekend nag-umpisa ang Everybody, Sing ni Vice Ganda.
Sa unang gabi ng programa, nagtagumpay ang grupo ng community pantry volunteers na makuha ang jackpot prize na P500,000 noong Hunyo 5, Sabado.
Nahulaan nang tama ng 25 songbayanan ang 10 titulo ng mga kanta sa jackpot round na “Everybody Guessing.”
Read more about
John Lloyd Cruz
Vice Ganda
Noong Hunyo 6, Linggo, nagkamit ng P40,000 ang grupo ng food and beverage service crew mula sa iba’t ibang kainan.
CONTINUE READING BELOW ↓
Gladys Reyes on husband Christopher Roxas: “Masarap na asawa.” | PEP Troika Talk Ep. 17
Sa susunod na Sabado at Linggo (Hunyo 12 at 13), itatampok naman bilang songbayanan ang janitors at delivery riders.
Pwede ring manalo ng P5,000 ang viewers o songbahayan sa bawat episode dahil sa mga espesyal na katanungan ni Vice para sa kanila.
Palabas ang Everybody, Sing tuwing Sabado ng 8:00 p.m., at Linggo ng 7:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.
Noong Linggo ng 7:40 p.m. ang part 2 ng Grand Finale Showdown ng Centerstage sa GMA-7.
Ultimate winner ng kiddie singing competition ang social media celebrity from Albay na si Vianna Ricafanca laban sa ukulele player ng Bulacan na si Oxy Dolorito.
Napabilib ni Vianna ang Bida Voters at Centerstage judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Direk Mel Villena sa bersiyon niya ng “Kahit Isang Saglit” ni Martin Nievera.
May second season kaya ang Centerstage kung saan hosts sina Alden Richards at Betong Sumaya?
Kare-reformat pa lang ng Dear Uge, kaya siyempre, bago pa rin ang episode nito noong Hunyo 6, Linggo ng 3:30 p.m.. sa GMA-7.
Tampok sa comedy-mystery episode na “Community Panthief” sina Rochelle Pangilinan, Royce Cabrera, Lexi Gonzales, Ayra Mariano, at Therese Malvar.
Noong Sabado night ay pareho ring bago ang handog ng Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya? (MMK).
Bida sina Kristoffer Martin at Elle Villanueva sa “Prisoners of Love” episode ng Magpakailanman noong Sabado ng 8:00 p.m. sa GMA, pagkatapos ng Agimat ng Agila.
Tampok sina Kim Molina at Pepe Herrera sa “14 Years of Love” episode ng MMK noong Sabado ng 9:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at A2Z Channel 11.
Take note na nahuli ang Mother’s Day presentation ng MMK last month, iyong “A Mother’s Sacrifice” na pinangunahan nina Meryl Soriano at Aljon Mendoza.
Inuna kasi iyong “Love in Lockdown” episode nina Janine Gutierrez at JM de Guzman.
This June, swak sa Father’s Day ang two-part episode ng MMK kung saan gaganap na mag-ama sina Maris Racal at Cris Villanueva. Mapapanood iyon sa Hunyo 12 at 19.
Kaugnay sa pagdiriwang ng Gay Pride this month, ire-replay ng MMK sa Hunyo 26 ang episode kung saan lesbian ang role ni Jaya, at gumanap na anak niya si Awra.
NOEL FERRER
Kahit ako man, inabangan ko ang pagbabalik-TV at showbiz ni John Lloyd Cruz.
All the other programs kaya ko nang i-forego except sa news. Netflix lang ang katapat niyan.
Masaya ako na ang Babae at Baril ni Janine Gutierrez ay nasa Netflix na umpisa Hunyo 3, Huwebes.
Ang Fan Girl nina Charlie Dizon at Paulo Avelino ay nasa Netflix na starting June 17.
Ok naman ang talent searches sa TV, pero kahit sa social media, nagagawa na rin ito. At yung iba, medyo mas sophisticated pa.
Ang tanong lang: with the very limited work available out there, saan daldalhin ang mga nagwagi at nadiskubreng talents sa searches na ito? Struggling pa rin ang entertainment industry hanggang ngayon.
Sana, matapos na ang pandemic soon. Dahil in the next few months before the start of filing of candidacy sa elections, maging mapagmatyag lang tayo.
Mag-iiba ang content at may mga politiko/kandidato na susubok i-penetrate ang mainstream at social media. Sana lang talaga, we know better.