Baby Giant ibinahagi ang pasasalamat kay Coco Martin dahil inirekomenda umano siya ng direktor para maging bahagi ng cast ng Goin’ Bulilit
Ayon kay Baby Giant malaki umano ang adjustment na gagawin niya dahil mula sa seryeng pang-aksyon, sasabak naman siya ngayon sa komedya

Opisyal nang ipinakilala ang mga bagong cast ng Goin’ Bulilit na nakatakdang ipinalabas sa Kapamilya network sa darating na July 1, 2024.

Isa sa mga nabanggit na bagong miyembro nito ay si Baby Giant.

Si Baby Giant ay unang nakilala bilang isang content creator. Kalaunan siya ay nabigyan ng pagkakataon na maging isang action star sa seryeng FPJs Batang Quiapo.

Nakapanayam ng ABS CBN News si Baby Giant hinggil sa pagkakapasok nito sa Goin’ Bulilit.

Ayon kay Baby Giant, inirekomenda umano siya ni Coco Martin kay Direk Bobot Mortiz. Malaki umano ang naging papel ni Coco sa pagkakaroon niya ng magandang oportunidad na maging mainstay ng show na Goin’ Bulilit.

Ani Baby Giant, “Ni-recommend po ako, tinawagan po ako ni Direk Coco, and then sabi po niya, ibibigay niya nga raw po ‘yung number ko kay Direk Bobot.”

Si Direk Coco po talaga ang naging daan, ipinasa po niya ang number ko sa kanila po,” dagdag pa ni Baby Giant.

Saad pa ni baby Giant, malaki man ang adjustment na gagawin niya dahil mula sa aksyon, sasabak naman siya ngayon sa komedya, pero masaya umano siya at siya ang napili na mapabilang sa ganitong show.

Yes merong adjustment po na nangyari kasi doon sa Batang Quiapo po, puro action po ang ginagawa namin and then lumipat po ng comedy, pero kahit action o comedy okay na okay po ako doon,” ayon pa kay Baby Giant.