Diborsyo nina Tom at Carla, legal na rin sa Pilipinas? Carla, inaming menopausal na sa edad na 37

Diborsyo nina Tom at Carla, legal na rin sa Pilipinas!; Carla, inaming menopausal na sa edad na 37

Carla Abellana
STAR/ File

Kinikilala na pala sa Pilipinas ang diborsyo ng mag-asawang Pinoy na pinawalang bisa sa ibang bansa.

Naglabas na nga ang Korte Suprema na nagdesisyon na ang foreign divorce decrees ay hindi na nangangailangan ng judicial proceedings sa ibang bansa para kilalanin sa Pilipinas.

Sa isang desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, nagdesisyon ang Supreme Court En Banc, na ang mga korte ng Pilipinas ay maaa­ring kilalanin ang mga diborsyo na nakuha sa ibang bansa, sa pamamagitan man ng legal o administrative process ng mutual agreement (https://sc.judiciary.gov.ph).

At pasok ito kina Tom Rodriguez and Carla Abellana. Maaalalang binanggit Carla sa isang interview namin na iba ang proseso sa Pilipinas ng divorce – that was late last year. Divorced na sila sa United States dahil American citizen si Tom, pero hindi pa that time sa Pilipinas.

“Matagal pa po sa Pilipinas, eh. So divorced po technically, but ‘yung sa Philippines in the process pa po ‘yung pag-recognize nila ng divorce decree,”  paliwanag ni Carla sa tanong ng ilang entertainment press sa kanya that time.

Pero dahil sa inilabas na ito ng Supreme Court, legal na ang diborsyo nila.

Nadi-discuss na ni Carla na parang wala na lang ang lahat ng nangyari sa kanila ng dating mister. “Ayoko naman din pong balik-balikan. Ayoko po siyang pag-usapan palagi. I’m in that position na po na at least, kumbaga, kung tatanungin po ako, masasagot ko naman po nang maayos. It just shows na parang ‘you’re over it’… parang ganon, nakapag-move on ka na po.”

Ngayon ay wala na rin daw epekto kahit pa may mga wedding scene pa siya sa Widows’ War.

Ngayong legal na ang lahat, aaminin na kaya ni Tom na diumano’y may baby na sila ng bago niyang partner sa United States?

Samantala, limang taon na palang ang hypothyroidism ni Carla. At sa edad na 37, at hindi pa nagkakaanak, perimenopausal na raw siya (around menopause).

Aniya sa kanyang post : “Hypothyroidism has been the bane of the past 5 years of my life. My hormones were nowhere within normal range, cortisol level was extremely high for so long, i was practically perimenopausal at 37 years of age, and despite fasting (more like starving myself already), along with regular and stringent workouts, i was still gaining weight constantly.

“5 years. 5 Doctors. Numerous tests over the years. Countless medication in all sorts of combinations. Hundreds of thousands of pesos. Nothing seemed to really work long term.

“Unless you have Hypothyroidism, you’ll never know what the struggle, frustration, embarassment, worry and desperation is like. Most especially if weight and appearance are key factors in your line of work,” bahagi ng post niya kung saan nagpasalamat siya sa doctor na tumutulong sa kanya sa kasalukuyan dahil pumayat na siya.

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News