Benjie Paras on why his sons are not close their estranged mother: “Alam ko ang dahilan, pero hindi ko sasabihin.”

Iniiwasan na ni Benjie Paras na mapag-usapan ang kaugnayan ngayon ng mga anak niya sa kanyang dating asawa na si Jackie Forster.

Sinasabing malayo ang loob ng dalawang anak nilang sina Andre, 17, at Kobe, 15, kay Jackie, pero hindi na raw saklaw ni Benjie ang damdamin ng mga ito.

Sabi ng dating PBA player sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko na alam ‘yan, ang mga anak ko na ang makakasagot niyan.

“Noong time na magkahiwalay kami, sila ang magkakasama—may time sila, may time kami.

“Alam ko ang dahilan, pero hindi ko sasabihin. Kaya naiintindihan ko ang mga bata.”

SHOWBIZ KIDS. Matapos nito ay nag-beg off na si Benjie na pag-usapan pa ang tungkol sa isyu nila ng dating asawa. Kaya ang pagpasok sa showbiz ng dalawa niyang anak na lang ang aming tinanong.

Kobe Paras' Dad Benjie Paras at the CSUN Matadors Men's Basketball welcomes  Filipino Sensation Kobe Paras Press Conference held at The Metadome in  Northridge, CA on Wednesday, May 31, 2017. (Photo By

Ani Benjie, “Okay lang sa akin yung panganay kasi maluwag ang schedule niya.

“Hindi naman showbiz, pero more on hosting siguro.

“Kasi, ganito lang kasi… kung merong interesado sa dalawa sa showbiz, why not, di ba?

“At kung meron ka naman at kaya mo namang gawin yung ipagagawa sa iyo, bakit hindi, di ba?”

Si Benjie ay mas nakikita sa GMA-7, pero ngayon ay gumagawa ng teleserye sa Kapamilya network—ang Got To Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Just in case, saang network niya ipapakontrata sina Andre at Kobe?

Sagot ni Benjie, “Kahit saan, kung saan sila mas mabibigyan ng break, okay lang sa akin.

“Tsaka, bahala na sila kung saan nila gusto.

“Kahit naman ako, never naman akong nagkaroon ng contract, kaya kung sino lang ang kumukuha o naggi-guest sa akin, doon po ako.”

Dagdag niya, “Actually, hindi naman ako sure kung mag-aartista talaga sila.

“Yung isa sa kanila [Andre], actually nag-guest lang sa isang Sunday show [Sunday All Stars] kasi nalaman nila na marunong mag-rap.

Benjie Paras on ex-wife Jackie Forster: “Nakikita niya ang mga bata, ang  mga bata ang ayaw." | PEP.ph

“Although, hindi sila exposed, kasi they are all basketball players.

“Yun nga, ang ina-advice ko sa kanila, whether they like it or not, or kung saan man sila mapunta, kung sa showbiz man…

“There are people who will ask for their photographs, they will have their fans, so they should make up for them—kailangang maging friendly sila.”

SHOWBIZ OFFERS. May mga nagpaparamdam na ba sa kanya na gustong gawing artista ang mga anak niya?

“Meron na,” sagot niya.

“Pero yung panganay [Andre] na muna. Kasi yung pangalawa ko [Kobe], nasa high school pa.

Benjie Paras happy about son Andre's off-screen bonding with showbiz  friends | PEP.ph

“Ang schedule niyan ay fixed, morning ‘til afternoon, tapos practice naman ‘til night.

“Yung college ko, medyo flexible ang time so, yeah, mag-aantay lang ako.

“Siyempre, sa basketball naman, siyempre doon din ako nagsimula.

“So, kung ano ang gusto nila, okay lang sa akin.”

BENLYN FANS. Nasa cast din ng Got To Believe si Manilyn Reynes, at sila ni Benjie ang magkapareha dito.

Sabi ng dating PBA superstar, “Si Manilyn, natutuwa ako kasi noong mabasa ko ang script, parang swak.”

Nabiro namin tuloy siya na kung merong KathNiel (Kathryn at Daniel) ay meron na ring sigurong BenLyn (Benjie at Manilyn).

Natatawang sabi naman niya, “Aba, kailangang makita natin ‘yan para maraming fans!

“Okay naman kami, kasi nagkatrabaho na rin kami niyan ng matagal na.

Sky's the limit for big men Arnold Van Opstal and Troy Rosario, says Benjie  Paras

“Pag may show siya na may guesting ako, nagkakasama rin kami, at magaang katrabaho si Manilyn.”

KATHNIEL FANS. Ano naman ang masasabi niya sa new breed of loveteams ngayon, tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mga bida sa bagong primetime show ng ABS-CBN?

Sabi ni Benjie, “Hay naku, ang nakikita ko ay heto na nga ang future na magiging idolo sa mga kabataan ngayon.

“Ang nakikita ko sa kanila… unang-una kasi, ang attitude nilang dalawa.

“Nakikita ko na nakikinig sila at mababait sila sa loob at labas.

“Ako kasi, ang una kong tinitingnan sa artista ay yung pagmamahal sa fans.

Lakwatsera Lovers: Benjie Paras renews contract with JDI and SureSeal

“Sa kanila, nakikita ko na kapag may lumalapit na fans, hindi nila tinatanggihan, nagpapa-picture sila, nagsa-sign ng autographs.

“Yun ang importante for the people na gustong magka-career.”

Dugtong pa niya, “Kinikilig din ako.

“Nakakatuwa na naging parte kami nitong teleseryeng ito at ako pa ang naging tatay ni Kathryn dito.

“Si Manilyn ang aking maybahay dito at nagtatrabaho kami sa peryahan at doon kami lumaki, at doon din lahat nagsimula ang istorya.”

Paano napunta sa kanya ang role bilang tatay ni Kathryn?

Biro ni Benjie, “Nag-form kasi sila ng character na matangkad daw at guwapo.

“Walang ibang napili na matangkad at guwapo, ako ang napili.

“Actually, dati naman akong nakakagawa dito sa ABS-CBN.

“Ngayon nga lang ako nakagawa ng teleserye dito kaya happy naman ako.

“At naging maganda naman ang exposure ko dito.”