Mainit pa ring pinag-uusapan ang mga sinabi ng aktres na si Liza Soberano tungkol sa love team culture na umiiral sa Philippine showbiz.
Sa panayam kay Liza ng South Korean singers na sina Ashley Choi at Peniel sa Get Real podcast ay naglabas ng hinaing si Liza sa pressure na dala ng pagkakaroon ng love team.
Paliwanag ni Liza, “We’re supposed to be a real couple on and off cam, and we only work with each other for our whole career.”
Nakatambal ni Liza noon ang fellow Kapamilya actor na si Enrique Gil.
Matagumpay ang tambalan nina Liza at Enrique na tinawag na LizQuen ng kanilang mga tagahanga.
Naging from reel to real din ang relasyon nina Liza at Enrique na ikinatuwa at kinakiligan siyempre ng fans.
Bagama’t hindi na aktibo ang LizQuen ay going strong pa rin naman daw ang relasyon ng dalawa.
Ito ay sa kabila ng haka-haka na naghiwalay na ang dalawa dahil focus ni Liza na matupad ang kanyang pangarap na mapasok ang Hollywood.
Dagdag na kuwento ni Liza, “In love teams, you’re expected to just be with that one person throughout your career and in your personal life and, like, people don’t wanna see you aside with another male actor or any other male in general.”
May mga pumuri at sumang-ayon sa pahayag ni Liza. Napakatapang daw nito na ipahayag ang saloobin at punahin ang matagal nang kultura at formula ng love team sa Philippine showbiz.
Meron din namang nainis at pinaratangan si Liza na walang utang na loob at walang pagpapahalaga sa biyaya na tinamasa nung panahon na sikat na sikat ang LizQuen.
GO WITH THE FLOW
Isa ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa nakinabang sa pagkakaroon ng love team.
Sino ang makakalimot sa matagumpay na tambalan nila ng aktres at ex-girlfriend na si Julia Barretto?
Taong 2019 nang magwakas ang JoshLia love team kasabay ng paglabas ng balita na nagkahiwalay na ang dalawa bilang magkasintahan.
May last year nang maiulat na magkakaroon ng reunion movie under Black Sheep Productions sina Julia at Joshua.
Kamakailan lang ay nag-guest si Joshua sa PEP Live at bahagyang napag-usapan ang tungkol sa love team culture.
Video: Rommel Llanes (live stream producer), Nikko Tuazon (host).
Detrimental nga ba sa career growth ng isang artista ang pagkakaroon ng constant screen partner?
Sa palagay ni Joshua ay “hindi naman.”
Dagdag nito, “Iba-iba naman especially ‘pag magkarelasyon sila, di ba? Ano yan parang nakakapag-work sila and they can play din at the same time.
“Hindi sila nalulungkot sa trabaho kasi kasama nila yung partner nila.
“Hindi lang partner sa trabaho, partner pa sa totoong buhay. Sobrang inspired sila magtrabaho nun, ganado yun.”
Looking back, never naman daw naging issue kay Joshua ang may kapareha sa mga ginawang proyekto.
“Ako kasi yung tipo ng tao na sasabayan ko lang yung agos ng karera ko,” bulalas ni Joshua.
“Simula nung nagsimula ako, wala akong tinanggihan na proyekto. Dire-diretso lang yung agos na yun, sinabayan ko lang, hindi ko sinalubong.”
News
HOT: Joshua Garcia was discovered to be in love with a gay actor, causing a stir
Shocking Rumor: Joshua Garcia and Markus Paterson Allegedly in a Gay Relationship? Recently, the Philippine social media scene has been buzzing with rumors that actors Joshua Garcia and Markus Paterson are in a romantic gay relationship. These rumors quickly spread…
The hidden “vague relationship” between Joshua Garcia and Kathryn Bernardo, the person who pulled Joshua Garcia out of loneliness
We’ve been seeing Joshua Garcia hanging out with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla‘s barkada (also known as the Nguya Squad) more often, and they’re seriously the cutest group of people on our feeds right now! Joshua recently took to Instagram to show his appreciation for his newfound *squad*, writing in…
Joshua Garcia reacts to Ivana Alawi’s admission she’s crushing on him
Speecheless pero flattered si Joshua Garcia sa pag-amin ni Ivana Alawi na may gusto siya sa Kapamilya actor. Una nang ibinuking si Ivana ng kapatid niyang si Mona Louise Rey sa vlog ng sexy actress noong August 29, 2021. Hindi itinago ni Ivana ang…
HOT: Joshua Garcia is trying to pursue Shuvee Etrata
Did Joshua Garcia try to pursue Shuvee Etrata? According to the Sparkle actress, he didn’t. On Monday’s episode of “Fast Talk With Boy Abunda,” Shuvee clarified the rumors circulating that the Kapamilya actor has courted her. “I just wanted to…
Have fun with Nadine Lustre’s at-home makeup session
Nadine Lustre has always been *proud* to be a morena. In her latest vlog, the beach-loving actress shared her everyday makeup routine, and we love how she enhanced her gorgeous tan using warm-toned products! (Think: brown eyeshadow, eyeliner, and lip liner) If you’re a…
HOT: Nadine Lustre suddenly hinted at “marrying” her French boyfriend
The Internet can’t help but wonder about Nadine Lustre‘s recent Instagram post which looked like a prenup photo. On Tuesday night, September 19, 2023, the award-winning actress posted a photo of two people lying on a vast, green pasture. What made the post a…
End of content
No more pages to load