“WEIRD” para kay Albie Casino ang mga nababasang chika na may mga fans na gustong buhayin ang loveteam nila ni Kathryn Bernardo.
Diretsahang sinabi ng aktor na hindi na siya umaasang babalik pa ang tambalan nila ni Kathryn na unang nakilala at sumikat sa remake ng classic Kapamilya series na “Mara Clara.”
“I doubt that’s gonna happen na. Especially since I’m no longer an ABS-CBN artist, so I don’t think that…” ang biting pahayag ng binata sa panayam sa kanya kahapon sa mediacon ng bago niyang Vivamax Original, ang trilogy sex-drama movie na “Eks.”
Natanong si Albie tungkol dito dahil nga si Kathryn dahil nga wala nang ka-loveteam ngayon ang aktres matapos hiwalayan nila ni Daniel Padilla.
Solo na ngayon ang Box-Office Queen kaya pwede na siyang i-partner kahit kanino kaya naman naisip ng ilang netizens na baka posibleng mabuhay uli ang Albie-Kathryn tandem.
Sey ni Albie, medyo nawiwirduhan siya sa nasabing idea, “I find it weird that people still ask me that.”
Pero kung sakaling may offer sa kanya na makatrabaho uli si Kathryn, game ba siya sa challenge?
“Why would I say no, ‘di ba? I don’t say ‘no’ to work in general so why would I say ‘no’ to work with her?” sagot ng aktor.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Albie ang unang ka-loveteam ni Kathryn sa “Mara Clara” at in fairness, naging mainit naman ang pagtanggap ng manonood sa kanilanag tambalan.
After “Mara Clara”, bibigyan sana sila ng ABS-CBN ng follow-up project, ang “Growing Up” pero pumutok ang balitang nabuntis umano niya si Andi Eigenmann.
Samantala, muling mapapasabak sa hubaran at churvahan si Albie sa pelikulang “Eks” kung saan makakatambal niya ang next Vivamax Queen na si Yen Durano.
Ka-join din sa naturang trilogy movie sina Felix Roco, Audrey Avila at marami pang iba mula sa direksyon nina Omar Deroca, Sigrid Polo at Roman Perez, Jr.. Mapapanood na ito sa Vivamax simula sa March 1.
Aside from “Eks”, napapanood din si Albie sa hit Kapamilya series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
News
Andrea Brillantes, ni-like ang comment ni Chloe San Jose sa bagong post niya
– Chloe San Jose could not help but leave a comment on Andrea Brillantes’ new post on Instagram – In the said post, Andrea shared a set of photos and a video taken during her recent “ASAP” guesting – Carlos…
Chloe San Jose, nag-react sa bashers na kinumpara siya kay Chucky’s Bride
– Carlos Yulo and Chloe San Jose are the new brand ambassadors of Urban Smiles Dental Clinic – The two-time Olympic gold medalist’s girlfriend shared the good news on her Facebook page – In the comments sections of her post,…
Angelica Yulo, labis na nagpasalamat nang tanggapin ang ‘Ulirang Ina Award’
– Natanggap na ni Angelica Yulo, ina ng Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo ang kanyang award – Kasama ni Angelica ang kanyang mister na si Mark nang tanggapin niya ang ‘Ulirang Ina Award’ – Bagama’t marami ang…
Julia Barretto at Gerald Anderson, nasa Gensan para sa kaarawan ng ina ni Gerald
– Binahagi ni Gerald Anderson ang ilang pictures na kuha sa ika-66 na kaarawan ng kanyang ina – Bukod sa picture nilang mag-ina ay naroroon din ang kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto – Base sa nakalagay sa post…
Stell Ajero of SB19 shares inspiring journey from McDonald’s crew to endorser of the same brand
– Stell Ajero, a member of SB19, shared his memories as a McDonald’s crew during a fan meet – He worked at McDonald’s while he was still in college, which taught him many life lessons – Now, Stell is one…
Anne Curtis, may nakakaaliw na entrance sa pagbabalik niya sa ‘It’s Showtime’
– Anne Curtis definitely knows how to put up a show – Just recently, she appeared in the ‘Kalokalike!’ segment of ‘It’s Showtime’ – It was her much-awaited comeback after her absence from the noontime show – She even pretended…
End of content
No more pages to load