In a 9-3 jury verdict, Paradigm Sports wins lawsuit vs. Manny Pacquiao.
A California jury sides with Paradigm Sports Management and orders Pambansang Kamao Manny Pacquiao to pay the company a total of $5.1M.
Pinaboran ng California jury ang breach of contract lawsuit ng Paradigm Sports Management laban kay Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Ang Paradigm Sports Management ay isang international sports management company na pag-aari ng Iraqi-American entrepreneur na si Audi Attar. Kabilang sa mga kliyente nila sa kasalukuyan, ayon sa sportskeeda.com, ay sina UFC star Conor McGregor, UFC welterweight champion Leon Edwards, middleweight kingpin Israel Adesanya, light heavyweight champion Jiri Prochazka, at Bellator welterweight fighter Michael Page.
Si Manny, na itinuturing na Philippine pride, ang kaisa-isang eight-divison champion sa kasaysayan ng boxing at mayroon siyang 12 major world titles.
Dati siyang nakakontrata sa Paradigm.
Nag-ugat ang kaso sa hindi pagtupad ni Manny sa kasunduan nila ng Paradigm kahit na nabigyan na siya ng advance payment sa halagang $2M, o lagpas sa P100M.
Lumalabas na nakipaglaban si Manny sa ibang boksingerong labas sa napirmahan nitong kontrata sa Paradigm.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News ngayong araw, May 3, 2023, 9-3 ang resulta ng botohan ng jury pabor sa Paradigm.
Inutusan din ng hukuman si Manny na ibalik ang nakuha nitong $3.3M sa kumpanya at magbayad ng karagdagang $1.8M para sa damages.
Suma-total, $5.1M o mahigit sa P280M ang kailangang bayaran ni Manny.
October 2021, ibinunyag ng dating matalik na kaibigan ni Manny na na si Jayke Joson na tinakbuhan umano sila nito kahit na nakapagbigay na ng cash advance ang Paradigm Sports sa mambabatas ng halagang $2M, o lagpas P100M, para sana sa laban nito kay Comor McGregor sa Las Vegas, Nevada.
Pero hindi natuloy ang Pacquiao-McGregor match.
Bago pa nito, sa isang panayam ni Jayke, inakusahan niya si Pacquiao na tinakbuhan umano siya at si Arnold Vegafria ng halos P65M mula sa kanilang sariling bulsa.
Si Vegafria ang business manager ni Manny at tumatayo ring national director ng Miss World Philippines Organization.
Lahad niya, “Nakapag-raise po kami sa sarili naming pera na P65M. So, nakuha po niya P165M sa amin.
“P65M, sa amin dalawa ni Arnold, personal money. Nagkasanla-sanla po kami para lang itulong at ibigay kay Senator Pacquiao. And then, yung P100M, sa Paradigm.
“To cut the long story again, part 3, nabigay namin ang pera, nagkasanla-sanla po kami, nakuha niya yung pera ng Paradigm, tinakbuhan po kami.”
Dahil sa nangyari, nagkalamat ang pagkakaibigan nina Jayke at Pacquiao na halos labimpitong (17) taon ang itinagal.
News
Coleen Garcia kay Vice Ganda nang magkita sila: “Magbati na kayo please”
– Nakwento ni Vice Ganda kung paano nagsimula ang muli nilang pag-uusap ni Billy Crawford – Aniya, sa isang event kung saan naroroon din ang mag-asawa, nakita ni Vice Ganda si Coleen at pinansin niya ito – Nakiusap daw ni…
Kim Chiu, di napigilang maiyak sa kwento ni Beverly sa ‘It’s Showtime’
– Kim Chiu, in the latest episode of “It’s Showtime” on ABS-CBN, talked to Beverly – During the episode, Kim turned emotional upon hearing Beverly’s story – The actress even raised the prize money, making Beverly cry – According to…
Kaye Abad, natawa sa alegasyon na isa umano siya sa naging “babae” ni Daniel Padilla
– Nagsalita si Kaye Abad kaugnay sa alegasyong isa siya sa mga naugnay na babae kay Daniel Padilla – Lumabas ang isang blind item kamakailan at kaugnay ito sa mga babaeng iniuugnay sa aktor – Sagot ni Kaye nang hingan…
WATCH: HOW JOSHUA GARCIA SUPPORTED JULIA BARRETTO IN THAT INTENSE ‘UN/HAPPY FOR YOU’ PARKING LOT SCENE SPARKS ROMANTIC RUMOURS
In the high-stakes world of film, the pressure can often feel overwhelming, especially during emotionally charged scenes. But as seen in the behind-the-scenes footage from their much-anticipated reunion film, “Un/Happy For You,” Joshua Garcia and Julia Barretto demonstrate that the…
Kathryn Bernardo and Alden Richards: Tourist Sighting in Calgary Reveals Couple’s Hands Entwined!
Kathryn Bernardo and Alden Richards Spotted Holding Hands in Calgary The charming duo of Kathryn Bernardo and Alden Richards has once again caught the public’s attention, this time in Calgary, Canada. As the two continue to work on their highly…
AiAi delas Alas pinayuhan si Chloe San Jose na wag awayin ang nanay ni Carlos Yulo
– Para kay Aiai Delas Alas, hindi dapat inaaway ni Chloe San Jose ang ina ng kanyang boyfriend – Aniya, kung wala ang nanay niya ay wala siyang boyfriend ngayon lalo at girlfriend pa lang naman daw siya – Sa…
End of content
No more pages to load