Sumalang si Kapuso actress Sanya Lopez sa “Pick and Talk” ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Nobyembre 2.
Ang kailangang gawin, pipili siya sa pagitan ng dalawang aktor na lilitaw mula sa LED screen at ipapaliwanag ang naging batayan ng kaniyang pagpili dito.
Unang lumitaw sa screen ay ang mga aktor na sina Alden Richards at Joshua Garcia. Tila nahirapan siyang pumili sa dalawa pero sa huli ay si Joshua ang kaniyang pinili.
“Kasi si Joshua parang noong una ko siyang nakita sa ‘Unbreak My Heart’ nila. Sa isang mall. Very genuine and parang kinausap niya ako. Parang kasama niya ‘yung mga relatives niya…Siya ‘yung lumapit sa akin para sabihin niya sa akin na puwede pong magpa-picture ‘yung family ko. Sabi ko, oo naman ‘no. parang ako pa ‘yung nahiya sa kaniya,” paliwanag ni Sanya.
Natigilan naman bigla si Sanya nang biglang sabihin ni Tito Boy na iba umanong humalik si Joshua.
“Parang hindi ko pa naman po na-try,” natatawang sabi ni Sanya.
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang halikan nina Jodi at Joshua sa kanilang serye. Sa katunayan, kamakailan lang ay ibinahagi ni Jodi ang karanasan niya sa pakikipaghalikan sa aktor.
Sunod namang pinagpilian ni Sanya ay ang mga aktor na sina Ken Chan at David Licauco. Pero si Ken ang pinili niya sa dalawa. Ang paliwanag niya, matagal na umano niyang kaibigan ito.
“Kilalang-kilala ko na siya. Noong ‘Walang Tulugan’ pa lang po namin, kami na ‘yung sobrang close. Parang halos lahat yata wala akong maitago kay Ken Chan, e,” saad pa niya.
Pero hindi pa roon natatapos ang pagpili ni Sanya dahil kailangan pa niyang pumili ng isang bet niyang maka-date mula sa dalawang pinili niya.
“Kanino ka papayag makipag-date? Kay Ken Chan o kay Joshua Garcia? That’s pick and talk,” sabi ni Tito Boy.
Sa huli, pinili pa rin ni Sanya si Joshua dahil marami na umano siyang alam tungkol kay Ken kumpara kay Joshua. Kaya gusto pa niyang mas makilala ang aktor.
“Gusto ko siyang makilala. Paano ba siya sa tunay na buhay? ‘Yung bilang tao hindi bilang artista. Nakilala kasi natin si Joshua parang very mysterious guy,” ani Sanya.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang tugon, reaksiyon, o pahayag si Joshua hinggil dito.
News
A collision of fates: Julia Barretto and Joshua Garcia
A collision of fates: Julia Barretto and Joshua Garcia In the Philippines, love teams are a dime a dozen. Television networks and talent agencies churn out the same tired formula, fueled by the masses’ penchant for romance: pair two good-looking…
Sanya Lopez Chooses Joshua Garcia Over Alden Richards, Here’s Why
Sanya Lopez was made to choose between these two actors Kapuso actress Sanya Lopez chose Kapamilya actor Joshua Garcia over Asia’s Multimedia Star Alden Richards and this is the reason behind this. Sanya is one of the most prominent actresses of her generation in GMA. She…
HOT: Sanya Lopez LOVE Joshua Garcia
Sanya Lopez interesado kay Joshua Garcia Bet ni Sanya Lopez na makilala nang personal si Joshua Garcia. Interesado si Sanya Lopez na makilala si Joshua Garcia. Nang sumalang nitong Huwebes sa ‘Fast Talk With Boy Abunda, dalawang beses pinili ni…
Joshua Garcia Reveals Real Reason Behind Excessive Weight Loss
Reason Why Joshua Garcia Loss A Lot of Weight During Lockdown JOSHUA GARCIA – The young Kapamilya actor revealed the real reason behind his excessive weight loss. The COVID-19 pandemic has affected the lives of all people even the celebrities…
Goshua Garcia reveals terrifying secret while filming “Just Like You”
Goshua Garcia reveals terrifying secret while filming “Just Like You” Six years after joining Pinoy Big Brother as one of the housemates of the All In edition, wherein he was introduced as the “Tatay’s Boy ng Batangas”, Joshua Garcia has indeed incredibly…
Gerald spoke ill of Joshlia to his face but was not satisfied?
Gerald spoke ill of Joshlia to his face but was not satisfied? Nahug og namakak kuno ang Kapamilya actor nga si Gerald Anderson kung isulti niya nga wa siyay nabati nga “something” sa pagbalik og pares nila ni Julia Barretto…
End of content
No more pages to load