Sa pagdiriwang ng kanilang ika-52 na buwan bilang magkasintahan, ibinida ni Chloe San Jose ang natanggap niyang bulaklak at isang matamis na love letter mula sa kanyang nobyo na si Carlos Yulo. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chloe ang larawan ng mga bulaklak at ang sulat mula kay Carlos, kung saan mababasa ang taos-pusong pasasalamat ng kilalang gymnast sa kanyang nobya.
Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanyaSource: Facebook
Dagdag pa niya, excited na siyang maging isang ama at asawa kay Chloe, habang patuloy niyang inaabot ang kanyang mga pangarap. Tila patunay ang mensaheng ito ng mas matatag na relasyon ng dalawa, sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap nila.
PAY ATTENTION: Follow us onĀ InstagramĀ – get the most important news directly in your favourite app!
Hinikayat din sila ng ilang tagasuporta na magplano na bilang isang pamilya. “Ayanaaa na, mag-plan as a family na din kayo! Happy for you both! Donāt mind the bashers, let them bark! Wala namang naiaambag sa buhay ninyo iyon! Always remember, people who aināt happy in others’ success are miserable in real lifeā¦”
Sa gitna ng kanilang tagumpay sa kanilang mga personal at propesyonal na buhay, tila mas lalo pang tumitibay ang pagmamahalan nina Chloe at Carlos.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang lalaking atleta at gymnast na mula sa Pilipinas na nag-uwi ng dalawang gintong medalya.Ā Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz YuloĀ ang kanilang samaan ng loob ay dahil sa daw kasintahan ng anak na si Chloe San Jose.
Sa gitna ng mgaakusasyon ay espikulasyon na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya,Ā nanatiling matatag si Chloe San Jose.Ā Sa comment section ng post niya, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling siya ng kopya para daw sa kanyang reference.