Yassi Pressman on her recent conversation with Nadine Lustre: “Sinabi ko na nga lang din po sa kanya, ‘Uy girl, nagkaka-anxiety ako sa lahat ng mga tao.’ She said, ‘Sorry to hear that. I hope you’re feeling better.’ Kasi yon po talaga ang totoong magkaibigan.” Seen on the right is a 2020 photo of Nadine and Yassi when they dismissed the rumored romance between Issa and James at the time.
PHOTO/S: @yassipressman Instagram
Hindi iniwasan ni Yassi Pressman ang pagkadawit niya sa rebelasyon ng relasyon nina James Reid at Issa Pressman.
Binatikos si Yassi at pinaratangang “traydor, hindi tunay na kaibigan,” at iba pang hindi magandang salita.
May mga netizens kasing hindi tanggap ang relasyon ni James kay Issa, dahil galing sila sa iisang barkada kasama sina Yassi at Nadine Lustre.
Si Nadine ay ex-girlfriend ni James at malapit na kaibigan ni Yassi.
READ: James Reid, Issa Pressman holding hands in photo; are they an item?
Noong 2020, hindi natibag ang pagkakaibigan nina Nadine at Yassi nang ma-link noon sina James at Issa—bagay na inuungkat ngayon ng netizens na kontra sa relasyon nina James at Issa.
Pati ang pagkaka-link ni Yassi kay Coco Martin, noong panahong magkatambal sila sa FPJ’s Ang Probinsyano, ay inuungkat ng netizens na tumawag kay Yassi na “ahas.”
YASSI PRESSMAN AND NADINE LUSTRE
Humarap sa press si Yassi sa presscon ng bagong TV serye, ang Kurdapya, sa Botejyu restaurant sa Estancia Mall, noong March 22, 2023.
Naunang nag-react si Yassi nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino sa cast ang nakakaranas ng pamba-bash at pambu-bully tulad ng lead character na si Kuring, na ginagampanan ni Yassi.
“Si Yassi at si Kuring,” ang natawang sagot ni Yassi.
Sa gitna ng kontrobersya, nilinaw ni Yassi na nagkausap sila ng kaibigang si Nadine.
Ipinagtapat daw ni Yassi kay Nadine na apektado siya sa bashers.
“Sinabi ko na nga lang din po sa kanya, ‘Uy girl, nagkaka-anxiety ako sa lahat ng mga tao.’
“She said, ‘Sorry to hear that. I hope you’re feeling better.’ Kasi yon po talaga ang totoong magkaibigan.”
Ayon pa kay Yassi, bago pa isapubliko nina James at Issa ang relasyon ng mga ito ay alam na ng mga taong malapit sa kanila, kabilang si Nadine.
“Wala pong problema. Kami po ni Nadine, okay kami. Okay rin po ang buong pamilya namin.
Read more about
Yassi Pressman
Nadine Lustre
James Reid
Issa Pressman
“At siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po, naasikaso in private. So wala po kaming problema.”
Sabi pa ni Yassi sa friendship nila ni Nadine, “Me and Nadine, we’re cool. We’re friends. We’ve been friends ever since we we’re kids kaya naman lahat po, okay po.”
Idiniin din ni Yassi na tatlong taon nang hiwalay sina James at Nadine.
Ani Yassi, “At saka, ilang taon na rin po to. So yon, sana everybody, everyone be happy.”
YASSI SAYS JAMES, ISSA “NOT DOING ANYTHING WRONG”
Hiningan na rin namin si Yassi ng reaksiyon sa relasyon ngayon nina James at Issa.
READ: James Reid breaks silence on viral holding-hands photo with Issa Pressman: “I’m the happiest I’ve ever been.”
Sabi ni Yassi: “Nagulat lang din po ako, siyempre, sabay-sabay po tayo.
“Pero, noong sinabi po niya sa akin recently, hinayaan ko na lang din po na mag-desisyon ang mga tao because they’re old enough naman to make their own decision.
“At saka, lahat po ng tao, may choice.
CONTINUE READING BELOW ↓
MMFF Flashback: Look who went to the And the Breadwinner Is… premiere | PEP Goes To
“Kung wala naman pong ibang tinatapakan… And everybody, you know, [they are] not doing anything wrong, wala naman pong problema.”
YASSI APPEALS FOR KINDNESS
Nagbigay rin si Yassi ng kanyang opinyon sa mga pambabash o pambu-bully na laganap ngayon.
Ayon kay Yassi, “In general na lang po, I think, importante na masabi rin po na in this age, it’s very, very different.
“Ang tatay ko po, pinanganak noong 1929, and kinukuwento niya po sa akin na ibang-iba ang buhay nila noon.
“Ang problema po nila sa eskuwelahan, nananatili po sa eskuwelahan. Kapag umuwi na po sila sa bahay, wala na po yon.
“Kaya pa po nilang mamuhay kung ano ang normal life nila with their family and friends.
“Kaya po ngayon, because we study so much data po on mental health and sa mga kabataan po, importante po lagi na sinasabi ko, even online, kapag may kahit anong nangyayari na it’s important to be kind.”
Tingin ni Yassi, mas kailangan ng understanding sa pinagdadaanan ng bawat tao.
“Minsan, some people hurt people basically dahil meron din silang mga pinagdadaanan. Meron din silang mga problema na hindi natin maintindihan.
“Kaya po hangga’t maaari, hindi po natin sila babatuhan din ng apoy kapag nagbuga na po sila ng apoy.
“You just really wish na okay, kung kaya mong sumagot ng hindi pasuntok, sagutin niyo po sila. Pero, remember na hindi tayo dapat maging parte ng hate culture.
“There’s so many people that in pain right now. Napakaraming problema ng mundo. Hindi na kailangang dagdagan.”