– Natanong ni Ogie Diaz si Gerald Anderson tungkol sa nababalitang kasal na ito kay Julia Barretto
– Ayon sa nababalita, sa Amerika raw umano nagpakasal ang dalawa – Gayunpaman, sinabi ni Ogie na sakaling totoo ito ay wala naman umanong isyu
– Matatandaang sa isang panayam kay Gerald, nabanggit nito ang tungkol sa usapang kasalan
Maging si Ogie Diaz ay natatanong umano kung totoo ang napapabalitang nagpakasal na umano sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Ogie Diaz, nausisa si Gerald Anderson ukol sa nababalitang kasal na umano sila ni Julia Barretto (@andersongeraldjr) Source: Facebook
Ang umuugong na bali-balitang ito, sa Amerika nagpakasal ang dalawa.
Dahil dito, minabuti ni Ogie na usisain si Gerald kung may katotohanan nga ba ito.
“Minessage ko si Gerald. At ang sabi niya sa akin, ikaw ang unang makakaalam kapag ikinasal na kami,” ani Ogie.
“Salamat Ge sa iyong pagsagot. At least nalinawan ‘yan na hindi totoo.”
Depensa pa ni Ogie, wala namang masama sakaling totoo man ang napapabalitang ito.
“E kung totoo man, kung sakali man na totoo ito, ‘di ba? E ano naman ngayon, e nasa legal na age sila?”
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Shoebiz Update:
Gerald Anderson ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Matatandaang una niyang nakapareha si Kim Chiu na mula rin sa nasabing programa. Bago ang kasakulukuyang relasyon niya kay Julia Barretto, matatandaang naging kontrobersyal ang naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo.
Matatandaang sa naging interview ni Isko Moreno kay Gerald, nabanggit niyang kasama umano ang pagpapakasal kay Julia sa kanyang five-year plan. Ganoon na lamang din ang papuri nito kay Julia na aniya’y napakasaya at napakagaang kasama bilang karelasyon.
Samantala, sa panayam naman ni Karen Davila kay Gerald kamakailan, nabanggit niya ang tungkol sa usapang pagpapakasal. Aniya, ‘malapit-lapit’ na umano ito gayung 35- anyos na siya. Lahat umano ng kanyang pinagkakaabalahan ngayon ay bilang paghahanda na niya sa pagbuo ng sarili niyang pamilya.
News
Eldrew Yulo Steps into the Limelight: Following in Brother Carlos’ Footsteps as SEAAA 2024 Ambassador
In an exciting development for the sporting world, Eldrew Yulo, the younger brother of celebrated gymnast Carlos Yulo, has been named the Ambassador for the Southeast Asian Achievement Awards (SEAAA) 2024. This prestigious role highlights Eldrew’s outstanding accomplishments and his…
May Violation Ulit! It’S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda
Kapamilya noontime show na It’s Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag…
BREAKING NEWS: Binggo Na! Its Showtime Nanganganib Na Muling Masuspinde?!
Sa pinakabagong episode ng It’s Showtime, muling nakakuha ng pansin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mga kontrobersyal na biro. Ang mga birada ni Vice Ganda ay naglalaman ng mga pahayag na tila may target…
Vice Ganda, sinagot ang netizen na sinabihan siyang wag pisikalin si Anne Curtis
– Vice Ganda recently responded to some netizens on Twitter – One netizen called him out and told him to avoid having “pisikilan” jokes with Anne Curtis – It didn’t take long for Vice to address the said tweet –…
Gerald Anderson’s mother opens up about relationship between Bea Alonzo and her son: ‘I never liked her!’
27 Aug – Gerald Anderson’s mother Evangeline Opsima is definitely unhappy with the controversy surrounding her son’s breakup with Bea Alonzo, as she recently admitted that she has never liked the actress for her son. As reported on Rappler, Opsima, known…
Bea Alonzo reacts after touring Thailand at same time as Gerald Anderson, Julia Barretto
From left: Bea Alonzo, Gerald Anderson and Julia Barretto at the 2019 ABS-CBN Ball Philstar.com / Kat Leandicho, file MANILA, Philippines — Kapuso actress Bea Alonzo is unbothered to cross paths with her ex-boyfriends in the future. In GMA7 reporter…
End of content
No more pages to load