Ibinahagi ni Cynthia Carrion, ang president ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP), ang kanyang pagkagiliw sa girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose. Ayon kay Carrion, si Chloe ay isang mabait at maalalahaning kasintahan na nagpakita ng tunay na malasakit hindi lamang kay Carlos kundi pati na rin sa kanyang pamilya.
Cynthia Carrion, binahagi ang plano ni Chloe San Jose noon na family dinnerSource: Facebook
Sa isang panayam ng DWIZ News, isiniwalat ni Carrion ang naging plano noon ni Chloe na magkaroon ng isang family dinner kasama ang pamilya ni Carlos. Gayunpaman, hindi natuloy ang nasabing dinner dahil sa patuloy na pagputok ng kontrobersiya na nagdulot ng masalimuot na sitwasyon sa pagitan ng mga partido.
Dagdag pa ni Carrion, napagpasyahan nilang huwag ituloy ang dinner at manahimik na lamang muna habang tinitingnan ang magiging takbo ng mga pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon, sinabi ni Carrion na si Chloe ay umiiwas sa anumang media attention na maaaring makapagpalala ng isyu. Ayaw din umano ni Carlos na pag-usapan ang kanyang personal na buhay sa mga panayam, kaya’t pinipili niya ang pinapaunlakang panayam.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram – get the most important news directly in your favourite app!
Nakiusap si Carrion sa publiko at sa media na huwag nang pag-usapan pa ang kontrobersiya upang hindi na ito lumala. Ayon sa kanya, ang patuloy na pagtatalakay ng isyu ay maaaring magdulot lamang ng mas maraming hindi pagkakaunawaan at mas masidhing tensyon sa mga taong sangkot.
Ngayong 2024 Paris Olympics, si Yulo rin ang naging unang gymnast at lalaking atleta mula sa Pilipinas na nag-uwi ng gintong medalya. Samantala, ibinunyag ng ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo ang kanilang alitan dahil sa kasintahan ni Carlos na si Chloe San Jose.
Sa kabila ng mga paratang na siya ang ugat ng tensyon sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya, nanatiling matatag si Chloe San Jose. Sa comment section ng kanyang post, tinanong pa niya kung bakit nawala ang video ng panayam sa ina ni Carlos at humiling ng kopya para sa kanyang reference.