Kampo ni James kinumpirma pag-goodbye ni Liza!!!

2

Kinumpirma na ng entertainment company ni James Reid na Careless Music na wala na sa kanila si Liza Soberano.

Halos dalawang linggo na ang nakaraan nang kumalat ang balitang wala na ang Hollywood actress sa Careless Music matapos i-unfollow ni Liza ang Instagram account ng nasabing entertainment company.

James Reid says it was Liza Soberano's decision to leave Careless | PEP.ph

Sa official statement ng Careless na pinost nila sa kanilang Instagram Story nitong September 14 (Sabado) ay sinabing noong July 29 pa ngayong taon sila naghiwalay ng landas.

“Liza Soberano is no longer under Careless Music management effective July 29, 2024.

“It has been a pleasure to have represented her and wish her the best in all of her endeavors,” sey ng Careless Music sa kanilang official statement.James Reid is Liza Soberano's new manager | Philstar.com

Hindi naman nagsalita or nag-post si Liza tungkol sa nilabas na statement ng Careless Music. Ang mga huling post nga niya sa Instagram ay ang kanyang first New York Fashion Week (NYFW) experience na tinawag niyang “Magical.”

Pinusuan naman ni Liza at ng mga netizen ang komento ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil sa isa sa mga NYFW post niya sa Instagram.

Komento kasi ni Enrique ay tatlong fire emoji, na ang ibig sabihin ay hot, sexy, attractive, o sign of approval.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://dailynewsaz.com - © 2025 News