Masaya raw si Mavy Legaspi sa relasyong mayroon ngayon ang dati niyang nobyana si Kyline Alcantara.
Ito’y matapos diretsahang aminin ng basketball player na si Kobe Paras na “dating” na ang estado ng relasyon nila ni Kyline.
Nangyari ang pag-amin ni Kobe nang sumalang siya sa Cosmo Confession na lumabas sa YouTube channel ng Cosmopolitan Philippines noong November 1, 2024.
Dito natanong siya kung sino ang kanyang “biggest celebrity crush.”
Aniya, “Kyline Alcantara, because we are dating.”
Photo/s: Screengrab Cosmopolitan Philippines YouTube
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sundot na tanong sa kanya, “When did you realize that you had a crush on her?”
Nakangiti ngunit tipid na sagot ni Kobe, “Early this year.”
MAVY LEGASPI HAPPY FOR KYLINE-KOBE
Marami sa tagahanga ni Kyline ang natuwa sa pag-amin ni Kobe, lalo na’t matagal-tagal na ring usap-usapan kung ano ang tunay nilang ugnayan matapos ang sunud-sunod nilang sightings.
Bukod sa fans, isa rin sa nagpakita ng kasiyahan sa relasyon ng dalawa ay ang ex-boyfriend ni Kyline na si Mavy.
Sa panayam ni Mavy sa 24 Oras nitong Lunes, November 4, nahingan siya ng reaksiyon sa naging pag-amin ni Kobe.
Pahayag ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, “The person’s happy. I’m happy. Let’s end the year on a good note na peaceful.”
Sa ngayon, moving forward na raw si Mavy sa nangyari sa relasyon nila ni Kyline.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Aniya, “What’s done is done also and lahat naman masaya.”
Kung saka-sakali rin daw magkita sila ni Kyline sa personal ay handa na siyang harapin ito.
Sabi niya, “I’ve always been civil. At the end of the day, we’re all just looking for happiness in our life.”
KYLINE AND MAVY PAST RELATIONSHIP
Bukas sa publikong sabihin nina Kyline at Mavy na nagsimula silang matalik na magkaibigan hanggang sa maging opisyal silang maging magkasintahan.
Ngunit noong November 2023, nabalot ng kontrobersiya ang kanilang relasyon nang mapabalitang sila ay naghiwalay na.
Hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa sa dahilan ng kanilang hiwalayan.
Nagsimulang mapansin ng netizens ang breakup ng dalawa nang tila magpatutsadahan online si Kyline at ang ina ni Mavy na si Carmina.
Bagay na hindi nagustuhan ng ilang netizens, partikular ng mga tagahanga ni Kyline na tinawag na “mama’s boy” si Mavy.
ALLEGED THIRD PARTY
Nadawit din ang ang co-host ni Mavy sa defunct noontime show na Tahanang Pinakamasaya (dating Eat Bulaga!) na si Dasuri Choi sa hiwalayan nila ni Kyline.
Si Dasuri ang itinuturong third party umano sa relasyon noon nina Mavy at Kyline.
Nag-ugat ang espekulasyong ito nang kumalat sa TikTok noong November 2023 ang video nina Mavy at Dasuri na magkasamang dumalo sa soft opening ng restaurant na pagmamay-ari ng isa sa executive producer ng Kapuso noontime show na Tahanang Pinakamasaya.
Sa video na kuha noon ng netizen, makikitang papasok sa isang restaurant sina Dasuri at Mavy, kasama ang co-hosts nilang sina Cassy Legaspi at Michael Sager.
Sa isa pang anggulo ng video, makikita namang magkatabi sina Mavy at Dasuri, gayong nasa kabilang silya naman sina Cassy at Michael.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nabahiran ito ng malisya dahil noong mga pahanong ito ay nahaharap sa intriga ang relasyon nina Mavy at Kyline.
Hanggang noong February 24, sa pamamagitan ng vlog sa YouTube, mariing pinabulaanan ni Dasuri na may relasyon sila ni Mavy at siya ang sumira sa relasyon ng dalawa.
KYLINE-KOBE SIGHTINGS
May 19, 2024, nang magsimula namang pag-usapan kung may namamagitan ba kina Kyline at Kobe.
Ito’y matapos mapansin ng mapanuring netizens ang pagkakahawig ng larawang ipinost nila sa kani-kanilang Instagram account.
Nag-post si Kyline sa Instagram ng mga larawang kuha niya, habang siya ay kumakain. Kabilang sa in-upload niya ang larawan ng mga chef sa loob sa isang kilalang restaurant sa Makati City.
Tanging smiling face with hearts emoji ang inilagay na caption dito ni Kyline.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang interior ng restaurant na kinainan niya ay nahahawig naman sa Instagram Stories na ipinost ni Kobe noong araw ring iyon.
Makikita rito ang picture ng nakatayong chefs sa kitchen area habang may dalawang wine glass at bulaklak sa lamesa.
Walang kahit na anong caption na inilagay si Kobe.
Ang pagkikita ng dalawa ay nasundan pa noong May 30 nang i-repost ni Kobe sa kanyang Instagram Story ang picture ni Kyline, kasunod ng pag-comment niya sa mga post ng Kapuso actress.
June 25, muling naaktuhan ang dalawa na magkasamang naglalakad sa isang lugar sa Bonifacio Global City (BGC) sa lungsod ng Taguig.
Ayon sa impormante ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), galing daw sina Kyline at Kobe sa isang bar sa BGC nang makunan sila ng video at picture.
Sa eksklusibong panayam ng PEP kay Kobe sa red carpet ng GMA Gala 2024, natanong siya tungkol sa tunay na estado nila ni Kyline.
Tanong ng PEP, bakit ang kapatid niyang si Kobe ang kasabay sa red carpet, at hindi ang sinumang ka-date niya?
“I got invited last minute, so I don’t know, sino ba ito?” pag-iwas niya.
Sa puntong ito ay diretsahan nang tinanong ng PEP si Kobe kung bakit hindi niya sinamahan si Kyline.
Sagot ng basketbolista, “fanboy” lang siya ng aktres sa gabing iyon.
“For tonight, I’m just a boy who is a fan.
“And, you know, I think this is her first time walking alone. So, you know, she deserves every spotlight.
“And I know tonight she’s gonna look amazing,” pahayag ni Kobe.
Sa hiwalay na panayam ng GMA News Online sa parehong event, itinanggi ni Kobe na malalim na ang ugnayan nila ng Kapuso celebrity.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Great friends” lang daw sila sa ngayon.
“We are great friends. Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako?” sagot ni Kobe sa tanong ng GMA News Online.
July 27, muling naispatan si Kyline na kasama ang pamilya ni Kobe, partikular na ang kanyang ama na si Benjie Paras at ang nakatatanda nitong kapatid na si Andre Paras, kasama ang non-showbiz girlfriend nito, ang swimmer na si Honey Escarez.
Pagsapit ng August 27, muling nag-viral online sang dalawa nang makunan ng video si Kyline na nakakandong kay Kobe habang sila’y nagkakasiyahan sa pagbi-videoke.
Bakas ang sweetness ng dalawa. Sa isang punto ay hinalikan pa ni Kobe ang balikat ng aktres habang nakakandong ito sa kanya.
September 19, hindi nakaligtaang batiin ni Kyline si Kobe nang magdiwang ito ng ika-27 na kaarawan.
Hanggang noong September 26, isinapubliko nina Kyline at Kobe ang una nilang pagsasamahang mini-series na Miss Legends.
News
Kim Chiu and Barbie Forteza weighed in on the age-old debate of…
Kim Chiu and Barbie Forteza weighed in on the age-old debate of city life versus provincial life. In a recent YouTube vlog uploaded on March 31, 2024, the two Filipino actresses engaged in a candid conversation in a game of “This or That,”…
Barbie Forteza on the Dark Side of Friendship with David Licauco
Naniniwala si Barbie Forteza na marami sa mga manonood ang matatalino kung saan mas matimbang para sa kanila ang kalidad ng isang proyekto kesa personal na buhay ng mga bida. Isang perpektong halimbawa ay ang BarDa loveteam nina Barbie at David Licauco, na…
Sanya Lopez laughs off JakBie breakup rumors: “It’s funny…”
Pinagtatawanan lang ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang hindi mamatay-matay na isyung, diumano, hiwalay na ang nakatatanda niyang kapatid na si Jak Roberto at long-time girlfriend nitong si Barbie Forteza. Makailang beses nang naisyu ang relasyon nina Barbie at Jak o JakBie, lalo…
Barbie Forteza and David Licauco’s sweet memories in South Korea
Malaking bahagi ng pelikulang That Kind Of Love ay ginawa sa Seoul, South Korea, kaya tinanong ang mga lead stars ng pelikula na sina Barbie Forteza at David Licauco tungkol sa hindi nila makakalimutang eksena na kinunan sa naturang bansa. Photo/s: @pmproductionsinc on Instagram Umpisang lahad…
David Licauco did these things for love. Does he really have feelings for Barbie Forteza?
Sa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco, tila mas may diskarte sa pakikipagrelasyon ang aktres. Lalo na’t sa totoong buhay, pitong taon nang going strong ang relasyon ni Barbie at ng nobyong si Jak Roberto. Sabay na humarap sina Barbie at David sa mediacon ng pelikula…
David Licauco to BarDa fans: “Iwasan lang ang hate.”
Sina David Licauco at Barbie Forteza pa rin ang magkapareha sa upcoming prime-time series ng GMA-7 na Pulang Araw. Napapatunayan nina David at Barbie na hindi kailangang maging magkarelasyon ang screen partners para magkaroon ng fan base. Barbie Forteza and…
End of content
No more pages to load