Robin Padilla on nephew Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: “Sa tagal natin sa industriya, alam naman natin lahat ng mga ganyang partnership, yung loveteam, dadaan talaga sa prosesong ganyan. Kasi, nagma-mature sila, e. Nakikita na nila yung mundo kung gaano kalawak ang mundo. Kasi dati, ang liit lang ng mundo niyan… Pero ako, alam kong magbabalikan yan.
Naniniwala si Senator Robin Padilla na magkakabalikan ang pamangkin niyang si Daniel Padilla at ang ex-girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.
“Magkakabalikan yun, oo. Magkakabalikan yun!” bulalas ni Robin sa storycon ng pelikulang Gringo: The Greg Honasan Story noong Hunyo 26, 2024, Miyerkules, sa Cliffpoint Studio sa Pasig City.
“Pag gumawa ng pelikula yun, magkakabalikan yun. Ganun lang talaga.
“Sa tagal natin sa industriya, alam naman natin lahat ng mga ganyang partnership, yung loveteam, dadaan talaga sa prosesong ganyan.
“Kasi, nagma-mature sila, e. Nakikita na nila yung mundo kung gaano kalawak ang mundo. Kasi dati, ang liit lang ng mundo niyan.
“Mga bata yan, e. Mga bata yan, tapos umusbong ang pag-ibig. Di wala ka na lang nakikita araw at gabi kundi mukha nung babae, o mukha nung lalaki.
“Siyempre ngayon, iba na. Nag-mature na sila. May mga bago nang… siyempre, iba na yung mga project niyan.
“May maturity na. So, talagang expected. Expected.
“Pero ako, alam kong magbabalikan yan.”
ROBIN’S MESSAGE TO KATHNIEL
Ano ang maipapayo niya sa KathNiel?
“Sa kanilang dalawa? E ngayon, hanggang magkahiwalay kayo, mag-enjoy din kayo sa mga sarili ninyo,” tugon ni Robin.
“Habang nag-e-enjoy kayo, dun niyo malalaman — mahal niyo ang isa’t isa.”
NOEL FERRER
Sana, magdilang-anghel si Robin tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Maraming matutuwa kapag nangyari iyan dahil sadyang hopia tayo sa mga good love stories.
Sa ngayon, magiging busy si Kathryn sa shoot ng Hello, Love, Again sa Canada, at doon ay hindi niya kasama si Daniel kundi ang leading man niyang si Alden Richards.
Will absence make the heart grow fonder? We’ll see.
Magkakatotoo ba ang sinasabi ni Senator Robin? Wait and see tayong lahat.
JERRY OLEA
Nobyembre 30, 2023, Araw ni Andres Bonifacio, nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel sa Instagram ang kanilang paghihiwalay matapos ang labing-isang taon.
Take note na tinagurian si Bonifacio na Supremo, at ang IG handle ni Daniel ay @supremo_dp.
Binansagan si Daniel na “Supreme Idol.”
Kasama si Daniel sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo (MMFF 2014) na pinagbidahan ni Robin Padilla, pero wala silang eksena roon na magkasama.
News
What Daniel Padilla means about finding ‘a new life’
MANILA — Kapamilya actor Daniel Padilla said he “found a new life,” having spent some quality time with his family and friends recently. Padilla sat down with ABS-CBN News’ MJ Felipe for “On Cue” after he renewed a contract with ABS-CBN on…
Gillian Vicencio breaks silence on Kathryn and Daniel breakup
MANILA — Kapamilya actress Gillian Vicencio has broken her silence about her alleged involvement in the breakup of Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, denying all the allegations and clearing her name. In a rare interview, she said, “Nagulat po ako….
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla Only Had Kind Words for Each Other in Breakup Confirmation
Leave it to Kathryn Bernardo to handle everything with class—breakups included. In a heartfelt statement uploaded on her Instagram account today, November 30, the Preview November 2023 cover star finally broke her silence on the rumors surrounding her high profile relationship with reel-to-real-life boyfriend Daniel Padilla….
SUPREMO IS BACK: Daniel Padilla reveals his new movies under ABS-CBN Films
Daniel Padilla embodies what a true leading man of his generation is — one whose very presence commands the scene while endearing us with his irresistible charm, always courageous in his choices and actions, and constantly works with full commitment….
How Joshua Garcia maintains friendship with Kathryn Bernardo, Daniel Padilla
MANILA — Visitors and casual bystanders of Luneta Park were surprised to see Kapamilya actor Joshua Garcia walking around the park on Monday, June 3. Aside from gamely posing for photos, he also handed out a hundred fruitcakes. Garcia is…
Is Julia Montes in love? The actress shares why she’s so silent about her personal life
She did admit that one of the reasons why she kept silent was because for once in her life, she wanted to be selfish and keep it for herself. Actress Julia Montes admits the current status of her heart and explains why…
End of content
No more pages to load