Tila umamin na ang Queen of All Media na si Kris Aquino hinggil sa tunay na estado ng relasyon nila niBatangas Vice Governor Mark Levistesa kaniyang latest Instagram update.
Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Mayo 18, isa-isang pinasalamatan ni Kris ang kaniyang doktor, mga malalapit na kaibigan, kapatid, at mga anak niya.
Isa rin sa mga pinasalamatan ni Krissy si Leviste.
Sa susunod na bahagi, nag-sorry si Kris dahil sa pagpaparusa niya kay Leviste dahil sa ginawa umano ng ibang tao sa kaniya.
Nagpasalamat din ang aktres sa Batangas Vice Governor dahil pumayag itong gawing pribado lamang ang kanilang relasyon. Gayunman, kung ano raw ang desisyon ng Diyos para sa kanila nawa raw ay maging “best friends” pa rin sila.
“Thank you for agreeing to my request to not post & keep our new relationship private. We are proof that LOVE comes when you least expect it. Thank you for your 12 years of perseverance. Whatever God decides for us, let’s please end up BEST FRIENDS for the rest of our lives?” dagdag pa ni Kris.
Samantala, nagkomento naman ng “
screenshot mula sa Instagram post ni Kris Aquio
Bukod dito, flinex din ng vice governor si Kris sa kaniyang Instagram story matapos ang update ng aktres.
screenshot mula sa Instagram story ni Mark Leviste
Matatandaang noong Pebrero 14, sinabi ni Kris na ikinokonsidera lang daw niya si Leviste bilang “best male friend.”