Dahil hitik sa bunga, madalas pukulin ng isyu si Vice Ganda. Pero kung bunga nga si Vice, anong klaseng bunga siya? Sagot ni Vice, “Gusto ko maging prutas ako para makain ako kasi masarap magpakain. So, gusto kong makain. Kasi yung bulaklak, hahawakan mo lang, tapos bibitawan mo na rin, di ba? Aamuyin mo lang. Ayoko nang inaamoy lang ako. Gusto ko kakainin ako.”
PHOTO/S: @viceganda on Instagram
Ang mapasaya ang mga tao sa gitna ng coronavirus pandemic ang pangunahing dahilan ni Vice Ganda kaya magkakaroon siya ng grand digital comedy concert sa July 17.
Ito ay pinamagatang Gandemic: Vice Ganda, The VG-Tal Community Party Concert.
Bilang paghahanda para sa Gandemic, pinanood ni Vice ang mga nakaraang digital concerts nina Daniel Padilla, Regine Velasquez, at Sarah Geronimo para magkaroon siya ng idea.
“Talagang pinanood ko yung mga recent concert nina Daniel, Regine, Sarah kasi wala akong idea how these digital concert happens. Wala akong idea kung paano ginagawa itong mga digital concert.
“May conscious effort ako na manood at bantayan yung ganap para may idea ako.
“Yung show ko naman is different, very different from the concerts of singers, kasi hindi naman talaga ‘yon ang strength ko.
“Hindi ako super sing, hindi naman ako super dance,” pagtatapat ni Vice sa virtual mediacon ng Gandemic na naganap ngayong Biyernes ng hapon, May 7.
10% MUSICAL, 90% COMEDY
Hindi magsisisi ang mga nagbabalak manood ng digital concert ni Vice dahil sa pangakong binitiwan nitong tatawa nang todo at magiging maligaya ang kanyang audience.
“Ang bentahe nitong concert ko, musical siya, may mga kanta, may mga saya, pero ang 90 percent niya is comedy.
“Na ‘yon ang hindi kine-cater ng ibang concerts or performances or events ng karamihan.
“Kasi mostly, they are singers, they sing, they do beautiful production numbers, pero hindi sila nagpapatawa.
“Ang magpapatawa, kung meron silang komedyante na guests, very minimal yung comic relief.
“Ito talaga, not so much of the songs and the dances, kasi ibinibigay na ng iba ‘yon.
“Ako, ibibigay ko ang strength ko, super patawa, at yun ang gusto ko i-make sure talaga.
“Kailangan grabeng patawa ito dahil ito yung kailangan nila, di ba?”
Patuloy ni Vice, “Marami ang kumakanta, marami ang magagaling na singers, madami ang magaling sumayaw.
Read more about
Vice Ganda
“Pero yung comedy concert, once in two years ‘yon, kasi ako lang naman ang nagko-comedy concert.
“And I promise to make sure na sobrang nakakatawa itong gagawin namin.
“Yun ang gusto kong maramdaman ng mga tao. For one night, in a span of two hours, makalimutan lang nila yung mga nangyayaring hindi maganda sa paligid.
“Huminga lang tapos tumawa lang. Gusto ko tumawa lang sila nang tumawa kahit dalawang oras lang.
“Kasi they don’t usually experience that every day now. Tumawa lang, sandali lang. I will make sure ibibigay ko ito sa kanila, two hours of joy.”
VICE ganda’S GUESTS
Si John Prats ang direktor ng Gandemic samantalang sina Ice Seguerra, Jake Zyrus, Moira dela Torre, at Anne Curtis ang nasa listahan ng mga special guest ni Vice.
Pero may mga pagbabagong mangyayari dahil napalitan ang streaming date ng kanyang digital concert.
“Originally, ang mga pinlano namin, Ice, Jake Zyrus, kasi gusto ko ng LGBT pink number na masaya.