Ibinahagi ni JC De Vera na may co-star siyang may “attitude” ngunit nakakatawa ang karanasan niya rito. Inalala niya ang unang pagkikita nila ni Alex Gonzaga noong magkasama sila sa gag show na LokoMoko sa TV5. Na-offend siya nang tanungin siya ni Alex kung original ang suot niyang shades ngunit inisip niyang friendly gesture lamang iyon ng aktres. Nagkasama pa sila sa pelikulang The Entitled noong 2022 at nanatili silang magkaibigan
Sa panayam ni JC De Vera sa isang podcast, hindi niya itinangging mayroon siyang mga nakatrabahong co-star na may “attitude.” Gayunpaman, nilinaw ng aktor na nakakatawa at hindi seryosong pag-a-attitude ang kanyang naranasan, lalo na sa isang insidente kasama ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga.
Source: Youtube
Ibinahagi ni JC na natawa siya sa tanong ngunit aminadong na-offend siya sa umpisa. Aniya, “Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaasar, pero awkward moment talaga.” Inisip niya na baka iyon ang paraan ni Alex para makipag-usap sa kanya dahil hindi pa sila close noong panahon na iyon.
Matapos ang ilang minuto ng pag-iisip, napagtanto ni JC na hindi naman sinasadya ni Alex ang kanyang tanong. Wala rin siyang sama ng loob sa aktres at sinabi pang maayos ang kanilang relasyon ngayon.
Nagkasama pa sila sa isang proyekto noong 2022, ang comedy film na The Entitled, kung saan nag-enjoy silang magtrabaho bilang magkaibigan. Ngayon, iniisip na lamang ni JC ang insidente bilang isang nakakatawang alaala mula sa kanyang showbiz journey.
Binahagi ni Alex Gonzaga ang screenshot ng naging komento ni Sen. Loren Legarda sa kanyang post na kanya ding sinagot. Sa kanyang ‘Mareng Mar’ na video na binahagi, napakomento si Sen. Loren kung saan natanong niya si Alex kung ano ang ginagawa nito.
Kamakailan ay ibinida ni Alex ang kanyang todo-effort na video upang maaliw ang pamangkin niyang si Polly na tuwang-tuwa sa American YouTuber na si Ms. Rachel. Kaya naman, sa kanyang video ay sinubukan niyang gayahin si Ms. Rachel ngunit tila hindi pa rin naaliw si Polly.